01/09/2026
MAG-INGAT SA SORE EYES (Viral Conjunctivitis)!
Napapansin ang pagdami ng mga kaso ng sore eyes sa Puerto Princesa City at ilang munisipyo sa Palawan. Bagama't karaniwan itong kusang gumagaling, madali itong makahawa kung hindi susundin ang wastong pag-iingat.
✅ Maghugas ng kamay nang madalas.
✅ Iwasang hawakan o kuskusin ang mga mata. ✅ Huwag maghiraman ng tuwalya, panyo, eye drops, at iba pang personal na gamit.
✅ Kung may sintomas, iwasan muna ang malapitang pakikisalamuha at magpakonsulta sa doktor.
Ang simpleng pag-iingat ay malaking hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili, pamilya, at komunidad.
📞 PMMGMPC Emergency Service Unit
0906 448 7439 | 0930 056 7641
📞 Outpatient Department (OPD) 0916 686 3373
📞 Palawan Medical Plaza 0912 148 6927
Alagaan ang iyong mga mata. Protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya.