13/07/2026
πΏπ Pagdiriwang ng Ika-52 Buwan ng Nutrisyon ππΏ
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-52 Buwan ng Nutrisyon na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," matagumpay na isinagawa ng ating ospital ang isang makabuluhang programa sa pangunguna ni Ms. Grace Dimangondayao, Nutritionist-Dietitian II at suporta ng ating Hepe ng Ospital na si Dr. Olive Jay G. Aguzar.
Naging tampok sa pagdiriwang ang mga makabuluhang talakayan mula sa ating panauhing tagapagsalita na si Mr. Jhomar B. Figueroa at kinatawan ng Yakult Philippines, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan, at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, namahagi rin ang ospital ng mga buto ng gulay na ipinagkaloob ng Office of the Municipal Agriculturist ng Bayan ng Cuenca upang hikayatin ang bawat pamilya na magtanim ng sariling gulay at maging katuwang sa pangangalaga ng kalikasan.
Nagkaroon din ng simpleng salu-salo kung saan ipinamahagi ang nilagang saging bilang masustansyang meryenda at libreng Yakult sa mga batang pasyente sa Outpatient Department (OPD) bilang pagsuporta sa kanilang kalusugan at wastong nutrisyon.
Patuloy nating isabuhay ang wastong pagkain at pangangalaga sa ating kapaligiran upang makamit ang isang mas malusog, mas masigla, at mas luntiang pamayanan.
π± "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!" πΏ
DISCLAIMER NOTICE: NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED, I DO NOT OWN THIS SONG/MUSIC IN PART OR IN WHOLE, IT BELONGS TO IT'S RIGHTFUL OWNER.