City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit

City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit This is the official page of City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit.
(1)

This is the Official page of City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit (HEPU).

07/08/2026

CLASS SUSPENSION ADVISORY
Saturday, August 8, 2026

Patuloy nating nararanasan ang epekto ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) na pinalalakas ng Tropical Cyclone (international name) "DOLPHIN," na nagdudulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng ating lalawigan.

Dahil dito, isinasailalim sa suspensyon ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong Lalawigan ng Cavite, ngayong darating na Sabado, Agosto 8, 2026.

Hinihiling ko sa ating mga magulang, g**o, at mga mag-aaral na manatiling maingat at huwag nang lumabas kung hindi kinakailangan. Patuloy nating bantayan ang mga opisyal na anunsyo at maging handa sakaling lumala pa ang lagay ng panahon.

Ang bawat desisyong ating ginagawa ay para sa kaligtasan ng bawat Kabitenyo.

Maraming salamat po at nawa'y manatiling ligtas ang lahat.

📢 Anunsyo | MR SIA 2026Sa lahat ng mga Health Center na nasa ilalim ng CHO III, narito po ang iskedyul ng Measles-Rubell...
07/08/2026

📢 Anunsyo | MR SIA 2026

Sa lahat ng mga Health Center na nasa ilalim ng CHO III, narito po ang iskedyul ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation (VAS) sa inyong mga nakatalagang one-day fixed posts.


07/08/2026

Maging alerto, mga lalawigan ng , , at !

NDRRMC(5:19PM,07Aug26)Orange Rainfall Warning sa Cavite, Batangas, Laguna, at Rizal. Nagbabanta ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.


07/08/2026

NDRRMC(5:19PM,07Aug26)Orange Rainfall Warning sa Cavite, Batangas, Laguna, at Rizal. Nagbabanta ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.

07/08/2026

Heavy Rainfall Warning No. 20
Weather System: Southwest Monsoon ( ) and Tropical Cyclone {DOLPHIN}
Issued at: 5:00 PM, 07 August 2026 (Friday)

ORANGE WARNING LEVEL: Zambales, Bataan, , Metro Manila, Batangas(Nasugbu, Tuy, Lian, Balayan, Calatagan), Pampanga(Porac, Guagua, Bacolor, Santa Rita, Floridablanca, Lubao, Macabebe, Masantol, Sasmuan, Minalin), Bulacan(Hagonoy, Calumpit, Paombong, Malolos, Plaridel, Pulilan, Bulakan, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan, Obando), Laguna(Calamba, Cabuyao, Santa Rosa, Binan, San Pedro, Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy) and Rizal(Taytay, Cainta, Antipolo, San Mateo, Binangonan, Angono, Teresa, Morong, Cardona, Baras, Tanay, Pililla, Jala-Jala).
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is still THREATENING.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ErekaBax3/
----

07/08/2026

Panoorin ang official entry ni Ms. Juvy Ruiz, Barangay Nutrition Scholar ng Barangay San Andres 1, para sa Breastfeeding & Lactation Station Vlogging Contest! 🎥❤️

Silipin sa kanyang vlog ang Breastfeeding & Lactation Station ng Barangay San Andres 1 Health Center—isang ligtas at maayos na espasyo para sa ating mga breastfeeding moms at babies. 👶💕

Bawat Like at React mo ay mahalagang boto para sa kanyang vlog!

👉 Panoorin na ang video at iparamdam ang suporta kay Ms. Juvy Ruiz!



07/08/2026
📣ANUNSYO PUBLIKOSa darating na August 10-28, 2026, magsasagawa ang Lungsod ng Dasmariñas ng Measles-Rubella Supplemental...
07/08/2026

📣ANUNSYO PUBLIKO

Sa darating na August 10-28, 2026, magsasagawa ang Lungsod ng Dasmariñas ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) with Vitamin A Supplementation (VAS) sa lahat ng barangay. Magkakaroon din ng pagbabakuna sa mga piling vaccination sites, kabilang ang SM City Dasmariñas , WalterMart Dasmariñas, Robinsons Place Dasmariñas, De La Salle Angelo King Medical Research Center Dasmariñas at Emilio Aguinaldo College Medical Center Cavite ayon sa nakatakdang schedule.

Inaanyayahan ang mga magulang na may anak na 6 hanggang 59 buwan (6-59 months) na makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Center upang malaman ang schedule at lugar ng pagbabakuna sa inyong barangay.

Ang bakuna laban sa tigdas at rubella ay LIBRE, ligtas, at mabisang proteksyon upang mapanatiling malusog ang ating mga anak. Kasabay rin nito ang pagbibigay ng Vitamin A Supplementation (VAS) para sa mga kwalipikadong bata.

Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Dasmarineño!

📸 𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐬𝐦𝐚𝐫𝐢ñ𝐚𝐬: 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲Hindi naging hadlang ang paiba...
07/08/2026

📸 𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐬𝐦𝐚𝐫𝐢ñ𝐚𝐬: 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲

Hindi naging hadlang ang paiba-ibang panahon upang maiparating sa bawat Dasmarineño ang mahalagang impormasyon tungkol sa Ligtas Tigdas 2026.

Sa pangunguna ng ating mga Punong Barangay, Sangguniang Barangay, Nurses at Midwives, DOH HRH, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at iba pang katuwang sa komunidad, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng mga orientation, bandillo o recorida, paglalagay ng mga tarpaulin at iba pang anunsyo, gayundin ang pamamahagi ng flyers bilang paghahanda sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) na may Vitamin A Supplementation (VAS) mula Agosto 10 hanggang 28, 2026.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa lahat ng ating mga barangay sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon upang matiyak na ang bawat magulang at tagapag-alaga ay maabot ng tamang impormasyon.

💉 Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Dasmarineño laban sa tigdas at rubella.



Office of the Provincial Health Officer - Cavite
Cavite Provincial DOH Office
Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon

Address

3rd Floor, Room 303, City Health Office Wing, SocioEconomic Building, Barangay Burol Main
Dasmariñas
4114

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share