Pagamutan ng Dasmarinas - OB OPD

Directions

Pagamutan ng Dasmarinas - OB OPD Pagamutan ng Dasmarinas - OB department

🤰 HIGH-RISK po ba ang inyong pagbubuntis?Huwag matakot magpakonsulta! Tumatanggap ang OB-GYN OPD ng Pagamutan ng Dasmari...
13/08/2026

🤰 HIGH-RISK po ba ang inyong pagbubuntis?

Huwag matakot magpakonsulta! Tumatanggap ang OB-GYN OPD ng Pagamutan ng Dasmariñas ng mga buntis na may high-risk conditions.

📞 Para makasiguro ng slot, magpa-appointment muna:
(046) 481-4400 Loc. 747
Monday–Friday | 8:00 AM–3:00 PM

✅ Tumatanggap din po kami ng WALK-INS kapag may available na slot mula sa mga naka-appointment na hindi nakarating. First come, first served po ito at subject to availability, kaya mas mainam pa ring tumawag at magpa-schedule bago pumunta.

Dalhin ang inyong prenatal records, laboratory results, ultrasound results, at iba pang medical documents para mas maayos kayong ma-assess.

Alagang maaasahan para kay Mommy at Baby. 💚🩷

📌 PATIENT REMINDER 🤰💗First time magpa-check up sa Pagamutan ng Dasmariñas, pero dati na kayong nagpapaconsult sa ibang c...
04/08/2026

📌 PATIENT REMINDER 🤰💗

First time magpa-check up sa Pagamutan ng Dasmariñas, pero dati na kayong nagpapaconsult sa ibang clinic o hospital?

Please don’t forget to bring ALL your previous records, especially:
🧪 Laboratory results
🩻 Ultrasound reports
📄 Other medical records or doctor’s notes

At isang important reminder po—continue bringing these records sa bawat prenatal check-up. 😊

Hindi po dahil gusto lang naming makita ang mga papel. Mas mahalaga kasi na maikumpara ng inyong OB-GYN ang previous results ninyo para mas ma-monitor ang paglaki ni baby, ang progress ng inyong pregnancy, at maiwasan ang hindi kinakailangang ulit-ulit na laboratory o ultrasound.

Ang complete records ay malaking tulong para makapagbigay kami ng mas ligtas, mas accurate, at mas personalized na prenatal care para kay Mommy at Baby. 💚

Pagamutan ng Dasmariñas
Obstetrics and Gynecology Department
Compassionate care. Every woman, every step of the way. 💗

📌 Reminder sa lahat ng mga Mommy na may previous Cesarean Section (CS) o previous operation sa matres at buntis ulit. 🤰💗...
04/08/2026

📌 Reminder sa lahat ng mga Mommy na may previous Cesarean Section (CS) o previous operation sa matres at buntis ulit. 🤰💗

Isa sa mga pinakamahalagang dokumento na maaari ninyong ihanda ay ang Operative Technique o operative report ng inyong huling operation.

📄 Paki-request ito sa Medical Records Department ng ospital kung saan kayo na-operahan noon.

Bakit ito mahalaga?

✨ Malalaman ng inyong OB-GYN ang eksaktong ginawa sa previous operation—gaya ng uri ng hiwa sa matres, operative findings, at iba pang importanteng detalye na makakatulong sa pagplano ng inyong prenatal care at panganganak.

Kung mas maaga itong makukuha, mas maaga rin itong mare-review ng inyong doktor at mas maayos ang inyong pregnancy management.

💚 Isang simpleng dokumento, pero malaking tulong para sa mas ligtas na pagbubuntis at panganganak para kay Mommy at Baby.

Pagamutan ng Dasmariñas – Obstetrics and Gynecology Department 🌸
Compassionate care. Every woman, every step of the way.

📅 OB GYN OPD Schedule is now available! 🌸Nagpaplano magpa-check up? Narito na ang weekly OPD schedule ng Obstetrics and ...
04/08/2026

📅 OB GYN OPD Schedule is now available! 🌸

Nagpaplano magpa-check up? Narito na ang weekly OPD schedule ng Obstetrics and Gynecology Department ng Pagamutan ng Dasmariñas para mas madali ninyong mapili ang tamang araw ng inyong konsultasyon.

💗 Ang OB-GYN Clinic ay available sa karamihan ng weekdays para sa:
• HIGH RISK Prenatal check-ups
• Gynecologic consultation
• Family planning concerns
• Women’s health concerns

👩‍👧 Every Tuesday PM
Dedicated para sa Teen Parents Clinic & Family Planning Clinic upang mas mabigyan ng oras at tamang gabay ang ating mga kabataang magulang at mga pasyenteng nais magplano ng kanilang pamilya.

🚶 Walk-ins are welcome, ngunit limited slots only.
⏰ First come, first served po tayo, para sa lahat ng naka schedule .

📞 Para sa OPD scheduling, tumawag lamang sa:
(046) 481-4400 local 747
Monday to Friday | 8:00 AM – 3:00 PM

Pagamutan ng Dasmariñas – Obstetrics and Gynecology Department
💚 Compassionate care for every woman, every stage of life. 🌸

📅 Planning your next OB-GYN check-up? We’re here to help! 🌸Para mas maayos at mas mabilis ang inyong pagbisita, maaari n...
04/08/2026

📅 Planning your next OB-GYN check-up? We’re here to help! 🌸

Para mas maayos at mas mabilis ang inyong pagbisita, maaari na kayong magpa-schedule ng inyong OB-GYN OPD consultation.

Whether it’s for:
🤰 Prenatal check-ups
🌷 Women’s health concerns
👩‍⚕️ Gynecologic consultation
💗 Family planning services

…our team is ready to serve you.

📞 For OB-GYN OPD Scheduling:
(046) 481-4400 local 747

🕗 Monday to Friday
8:00 AM – 3:00 PM

💡 Walk-ins are still accepted, subject to available slots. To avoid long waiting times, we highly encourage scheduling your appointment in advance.

Pagamutan ng Dasmariñas – Obstetrics and Gynecology Department
💚 Serving every woman with compassionate, quality, and accessible care. 🌸

ANNOUNCEMENT: Limited OB-GYN Admissions (November 8–12, 2025)To all our valued patients,Please be informed that from Nov...
29/10/2025

ANNOUNCEMENT: Limited OB-GYN Admissions (November 8–12, 2025)

To all our valued patients,
Please be informed that from November 8 to November 12, 2025, OB-GYN admissions will be limited at Pagamutan ng Dasmariñas.
During this period, we will only be accepting uncomplicated normal deliveries.
Patients with complicated cases will be referred to other hospitals for proper management.

Please also note that there will be no OPD (Out-Patient Department) services from November 10 to 12.
Regular OPD operations will resume on November 13, 2025 (Thursday).

This schedule coincides with the OB Annual Convention and our terminal disinfection of the OB Ward, OB Annex, Labor Room, Delivery Room and Operating Roomto ensure a clean and safe environment for all.

We sincerely apologize for any inconvenience this may cause and thank you for your kind understanding and continued trust.
Your safety and well-being remain our priority. 💖

📍 Pagamutan ng Dasmariñas — Department of Obstetrics and Gynecology

----------

PAALALA: Limitadong Admission sa OB-GYN (Nobyembre 8–12, 2025)

Sa lahat po ng aming mga pasyente,
Ipinaaalam po namin na mula Nobyembre 8 hanggang Nobyembre 12, 2025, ay limitado ang pagtanggap ng OB-GYN admissions sa Pagamutan ng Dasmariñas.
Sa mga araw pong ito, tanging mga uncomplicated normal deliveries lamang ang tatanggapin.
Ang mga may komplikasyon ay ililipat sa ibang ospital para sa mas maayos na pangangalaga.

Paalala rin po na walang OPD (Out-Patient Department) mula Nobyembre 10 hanggang 12.
Ang ating OPD ay babalik sa normal na operasyon sa Nobyembre 13, 2025 (Huwebes).

Ito po ay kaugnay ng OB Annual Convention at malawakang paglilinis (terminal disinfection) ng ating OB Ward, OB Annex, Labor Room, Delivery Room and Operating room upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng lahat.

Humihingi po kami ng inyong paunawa at pasensya. Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at pag-unawa. Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing layunin. 💗

Alam nyo na ba ang status nyo? Lahat ng buntis ay kinakailangan masuri sa iba't-ibang Sexually Transmitted Infections ga...
24/03/2025

Alam nyo na ba ang status nyo?
Lahat ng buntis ay kinakailangan masuri sa iba't-ibang Sexually Transmitted Infections gaya ng HIV, Syphilis, Hepa B at Hepa C dahil ang mga sakit na ito ay may mother-to-baby transmission kung hindi magagamot habang buntis pa. Sa Dasmariñas Social Hygiene Clinic. sa Piela, Samapaloc 3, maaari kayong magpasuri at magamot ng libre. Kaya't know your status and get treated!

04/11/2023

Mahalagang paalala para sa lahat:

Aming pinapaalam na ang serbisyo po ng aming departamento ng OB-GYN ng Pagamutan ng Dasmarinas ay pansamantalang itinitigil simula Nov 7-10,2023. Ito po ay sa kadahilanan ang mga doctor ay aattend ng kanilang annual convention na gaganapin sa PICC, Manila. kasabay nito ang paglilinis at disinfect ng aming delivery room, labor room recovery room OB ward and OB annex wards. At mga pupunta naman po mg OPD para magpaconsulta ay bumalik or magpalista para po sa na Nov 13,2023.

Ang aming serbisyo ay muling magbubukas sa Nov 10, 2023 mula 7pm. Ang aming OPD naman po ay sa nov 13, 2023 8am.

Lahat po pinaapalaman para magrefer na po sa ibang birthing facilities o ospital.

Maraming salamat sa inyong pagunawa po.

Address

Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagamutan ng Dasmarinas - OB OPD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category