Rentosa Maternity and Lying-In Clinic is a social business that hopes to improve health outcomes in a sustainable and participative approach. Itinatag ito bilang tugon sa lumalaking demand para sa pantay at naaangkop na mga solusyon sa komunidad. Ang RMLC ay nakapagbibigay ng access sa dekalidad at abot-kayang serbisyo sa kalusugan ng bawat Pilipinong ina. Ang Rentosa Maternity and Lying-In Clinic
ay ginagabayan ng mga protocol na binuo ng Department of Health. Ang misyon nito ay panatilihing ligtas at malusog ang lahat ng ina at kanilang mga sanggol. Higit pa rito, itinataguyod nito ang proteksyon sa panganib sa pananalapi sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kababaihan na mag-avail ng mga benepisyo ng Philhealth.Dahil kami po ay Philhealth-accredited kung kaya masusulit ng mga Philhealth members ang benepisyo sa panganganak sa maganda,malinis at maayos na pasilidad. Ang RMLC ay isang panawagan na itaguyod ang ligtas na mga kasanayan sa pagpapa-anak na makakatulong na maiwasan ang pagkamatay ng ina at sanggol. Kabilang sa mga cost-effective na interbensyon ang pagtataguyod ng maayos,malinis at kumpletong kagamitan sa pagpapa-anak na pasilidad, kumpletong pangangalaga sa prenatal, at pangangalaga ng isang skilled-birth attendant, mga professional midwives at mga doktor. Sa pamamagitan ng RMLC aggressive awareness campaign, hinahangad nitong bigyang kapangyarihan ang kababaihan na gumawa ng mas mabuting desisyon tungkol sa pagpili ng pasilidad na mgangangalaga sa kanilang kalusugan.