07/08/2025
Ang Buwan ng Agosto ay National Breastfeeding Awareness Month!
Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo sa Hakab 'Ta 2025: One Latch, One Love, One Nation bilang pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month ngayong Agosto!
Ang pagdiriwang ay gaganapin sa Ospital ng Imus Training Room, ika-8 ng Agosto, alas-9 ng umaga.
Maraming palaro, papremyo, pagkain, at pandagdag-kaalaman ukol sa wasto at sapat na pagpapasuso, at ang mga benepisyo nito sa sanggol at sa ina!
Iniimbitahan ang mga ina na magsuot ng puting T-shirt para sa gaganaping selebrasyon.
Magkita-kita tayo bukas! Hakab 'Ta!