Pagamutan ng Dasmariñas - COH and HA

Directions

Pagamutan ng Dasmariñas - COH and HA The Official page of the Chief of Hospital and Hospital Administrator of Pagamutan ng Dasmariñas

Bagong Yugto para sa Pagamutan ng Dasmariñas (PD) at Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas (KLD)Isang panibagong hakbang tun...
15/09/2026

Bagong Yugto para sa Pagamutan ng Dasmariñas (PD) at Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas (KLD)

Isang panibagong hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan, pakikipagtulungan, at paghubog sa mga susunod na social workers ang isinagawa ng Pagamutan ng Dasmariñas (PD) at Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas (KLD).

Nakipagpulong sina Dr. Benedicto R. Pascual, Jr., Hospital Administrator, sa mga kinatawan ng Social Work Department ng KLD na sina Anacoreta P. Arciaga, RSW, MSSW, at Ms. Rizel Espinosa, RSW, bilang paghahanda sa nalalapit na deployment ng mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Social Work (BS Social Work) para sa kanilang On-the-Job Training (OJT) sa Pagamutan ng Dasmariñas.

Layunin ng partnership na mabigyan ang mga mag-aaral ng mahalagang hands-on experience sa social work practice sa isang healthcare setting, habang patuloy na napapalakas ang serbisyong panlipunan para sa mga pasyente at kanilang mga pamilya.

Bagong yugto, bagong oportunidad, at sama-samang paghubog para sa mas mahusay na serbisyong pangkalusugan at panlipunan.

September 14, 2026 | Flag Raising Ceremony at Socio Economic Building
14/09/2026

September 14, 2026 | Flag Raising Ceremony at Socio Economic Building

10/09/2026

Manatiling Ligtas, Dasmarineños!

Umiwas sa panganib at unahin ang kaligtasan. Sa oras ng emergency, tandaan na ang Pagamutan ng Dasmariñas ay bukas 24 oras, 7 araw sa isang linggo (24/7) upang magbigay ng agarang serbisyong medikal.

I-save ang mga emergency contact numbers at maging handa sa anumang sitwasyon.

Ingat po ang lahat!

Another productive month of collaboration and commitment! The COH Monthly Meeting, headed by Dr. Karlomagno G. Barzaga, ...
07/09/2026

Another productive month of collaboration and commitment!

The COH Monthly Meeting, headed by Dr. Karlomagno G. Barzaga, brings together our team to discuss departmental concerns and inquiries, address important matters, and share updates on our accomplishments and ongoing initiatives.

Together, we continue to work toward better coordination, meaningful progress, and excellence at Pagamutan ng Dasmariñas 💚💛

04/09/2026

Sa likod ng bawat pintuan ng Pagamutan ng Dasmariñas, may mga kwentong hindi basta makakalimutan.

Mga Dasmarineñong dumating na may pangamba, sakit, at pag-aalala, ngunit umuwi na may pag-asa, pasasalamat, at panibagong pagkakataon.

Totoong kwento. Totoong tao. Totoong tiwala.

Alam naming walang institusyong perpekto. May mga pagkukulang, may mga pagsubok, at may mga salitang masakit marinig. Ngunit sa kabila ng lahat, nananatili ang aming panata na maglingkod nang buong puso, may malasakit, at may katapatan.

Dahil sa bawat pasyenteng aming inaalagaan, nakikita namin hindi lamang isang pangalan o numero.

Nakikita namin ang isang ama, isang ina, isang anak, isang kapatid; Isang taong may pamilyang naghihintay at umaasa.

Kaya sa bawat araw na pinagkakatiwala ninyo sa amin ang inyong buhay, ipinapangako naming patuloy kaming magsisikap na maging karapat-dapat sa tiwalang iyon.

Dahil bawat buhay ay mahalaga.
Bawat Dasmarineño ay mahalaga.

Alagang Tapat, Para sa Bawat Dasmarineño. 💚💛

Dumalo ang Animal Bite Treatment Center (ABTC) ng Pagamutan ng Dasmariñas, sa pangunguna ni Dr. Edsie Angela Satsatin, s...
03/09/2026

Dumalo ang Animal Bite Treatment Center (ABTC) ng Pagamutan ng Dasmariñas, sa pangunguna ni Dr. Edsie Angela Satsatin, sa Policy Updates and Refresher Training on Prevention, Control, and Management of Potential Rabies Exposure na ginanap ngayong Setyembre 3, 2025, sa The Lake Hotel, Tagaytay City.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak at mapagtibay ang kaalaman ng mga health workers sa wastong pag-iwas, pagkontrol, at pamamahala sa mga posibleng kaso ng rabies exposure, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ligtas at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa komunidad.

Alagang Tapat, Para sa Bawat Dasmarineño. 💚💛

Medical and Dental Mission Coordination MeetingNoong September 3, 2026, ginanap sa SP Conference Room 1 ang Medical and ...
03/09/2026

Medical and Dental Mission Coordination Meeting

Noong September 3, 2026, ginanap sa SP Conference Room 1 ang Medical and Dental Mission Coordination Meeting na pinangunahan ng City Health Office, kasama ang Pagamutan ng Dasmariñas at iba pang mga tanggapan na may kaugnayan sa aktibidad.

Layunin ng pagpupulong na pag-usapan at pagtibayin ang mga kinakailangang plano, koordinasyon, logistics, at iba pang paghahanda para sa matagumpay na pagsasagawa ng Medical and Dental Mission.

31/08/2026

10 taon ng serbisyo, malasakit, at pagkakaisa!

Isang linggong puno ng ganap at masasayang alaala para sa ika-10 Anibersaryo ng Pagamutan ng Dasmariñas.

Maraming salamat po sa lahat ng nag organisa, tumulong at dumalo.

Alagang Tapat, Para Sa Bawat Dasmarineño. 💚💛

28/08/2026

Sa bawat taon, bawat kwento, at bawat buhay na ating napaglilingkuran, patuloy nating isinasabuhay ang pangakong
Alagang Tapat, Para sa Bawat Dasmarineño.

Maligayang 10th Anniversary, Pagamutan ng Dasmariñas!

Isang dekada ng malasakit, dedikasyon, at serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan ng Dasmariñas.

Alagang Tapat. Para sa Bawat Dasmarineño. 💚💛

Address

Burol II
Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagamutan ng Dasmariñas - COH and HA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category