19/07/2026
Hindi pa huli ang lahat!
Bukas pa rin ang registration para sa aming Cleft Week sa Tobias Feliciano Faith General Hospital, Ozamiz City ngayong July 26–30.
Nag-aalok kami ng LIBRENG operasyon para sa lahat ng may cleft lip, cleft palate, at iba pang craniofacial deformities.
Hindi lamang ito para sa mga hindi pa naooperahan. Kung kayo ay naoperahan na noon ngunit nais pang mapabuti ang hitsura o function ng inyong labi, ilong, o iba pang bahagi ng mukha, maaari pa rin kayong magparehistro para sa assessment at libreng operasyon.
Layunin naming mabigyan ang bawat pasyente ng pagkakataong magkaroon ng mas magandang function, mas maayos na anyo, at mas mataas na kumpiyansa sa sarili.
Kung may kakilala kayong maaaring makinabang, pakibahagi ang post na ito. Maaaring ang simpleng pag-share ninyo ang magbago ng buhay ng isang tao.
📍 Tobias Feliciano Faith General Hospital, Ozamiz City
📅 July 26–30
💙 Libre ang konsultasyon at operasyon para sa lahat ng pasyente