14/02/2025
📢 Usapang Mental Health uli tayo! 💚
Mga kaibigan, samahan ninyo kami sa isang napapanahong talakayan sa "Hooked: How Drug Misuse Hijacks the Brain—and How We Heal". 💡💊
🗓 February 15, 2025 (Saturday)
⏰ 11 AM - 12 NN
📻 Radyo Magasin 1278 kHz AM
Kasama natin ang inyong host, Dr. RJ Valdez, at ang ating guest co-host na isang espesyalista sa Addiction Psychiatry, Dr. Pau Gonzalez, upang pag-usapan ang siyensya sa likod ng drug misuse at addiction—paano nito naaapektuhan ang ating isip at paano tayo makababangon mula rito.
💬 Paano nagsisimula ang addiction?
💬 Bakit mahirap kumawala dito?
💬 Ano ang mga paraan para makarecover at maghilom?
Alamin natin ang sagot sa mga tanong na ito at higit pa! Huwag palampasin ang isang makabuluhang usapang puno ng pag-unawa, paghilom, at pag-asa.
📩 Mayroon ka bang katanungan? I-comment o i-message ito, at pag-uusapan natin sa live show!
Usap tayo--sabay nating tatahakin ito. 💚