13/02/2026
‼️ HIGIT 2 MILYONG BATA SA MINDANAO, PROTEKTADO NA SA TIGDAS AT TIGDAS-HANGIN‼️
Sa ika-4 na linggo ng DOH-Ligtas Tigdas Vaccination Campaign, umabot na sa 2,220,284 ang batang edad 6-59 buwan (o wala pang limang taon) ang nabakunahan at ngayo'y protektado na laban sa tigdas at tigdas hangin sa buong Mindanao at BARMM.
Hinihikayat ng DOH ang iba pang mga magulang at tagapangalaga na pabakunahan ang mga chikiting para maprotektahan sila mula sa nakamamatay na tigdas at tigdas-hangin.