11/09/2026
❌Cotton Buds ❌
Hindi inirerekomenda ang cotton buds sa loob ng ear canal dahil mas nakakasama ito kaysa nakakatulong.
👂 Bakit hindi dapat?
* Itinutulak lang nito ang earwax paloob at sa halip na mailabas, naiipon ito at maaaring maging bara.
* Maaaring magasgas ang balat ng ear canal at puwedeng magdulot ng pamamaga, impeksiyon o otitis externa.
* Puwedeng masira ang eardrum kapag masyadong malalim ang pagkakapasok o biglaang pagtusok.
* Maaaring magdulot ng pananakit, tinnitus o pansamantalang paghina ng pandinig kung natulak ang wax malapit sa eardrum.
* Ang earwax ay natural na proteksiyon ng tainga at karaniwang kusang lumalabas habang ngumunguya dahil gumagalaw ang panga o minsan sa ating pagtulog.
✅ Ano ang dapat gawin?
Linisin lamang ang labas ng tainga gamit ang malinis na bimpo o towel. Huwag ipasok ang cotton buds sa butas ng tainga.
Kung may baradong pakiramdam, paghina ng pandinig, pananakit, discharge, o maraming earwax, mas ligtas na magpatingin para ma-check at malinis nang maayos.