RHU Gamay

Directions Contact the practice

RHU Gamay We dedicate our talents and skills in the service of the people for better health outcomes in the community.

𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗠𝗔𝗬!Atin pong ipinagdiriwang ang tagumpay ng Measles-Rubella Supplemental ...
07/09/2026

𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗠𝗔𝗬!

Atin pong ipinagdiriwang ang tagumpay ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) 2026 sa ating bayan!

Batay sa pinakahuling accomplishment data, 𝟭,𝟰𝟬𝟰 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮 na ang nabakunahan mula sa 1,422 actual population, na katumbas ng napakataas na 𝟵𝟴.𝟳𝟯% 𝗮𝗰𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝘀𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗿𝗮𝘁𝗲. 👏🎉

Mas lalo nating ipinagmamalaki na marami sa ating mga barangay ang umabot o lumampas pa sa 𝟭𝟬𝟬% 𝗮𝗰𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝘀𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁, patunay ng masigasig na paghahanap, pag-abot, at pagbabakuna sa mga batang nangangailangan ng proteksyon laban sa tigdas at rubella.

Ang tagumpay na ito ay hindi gawa ng iisang tao lamang. Ito ay bunga ng sama-samang pagkilos, tiwala, malasakit, at dedikasyon ng buong komunidad.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa ating mga nanay, tatay, at caregivers na nagtiwala sa programa at nagdala ng kanilang mga anak upang mabakunahan. Ang inyong pakikiisa ang pinakamahalagang dahilan kung bakit patuloy nating napoprotektahan ang ating mga bata.

Isang malaking pasasalamat din sa ating Punong Barangay, barangay officials, Barangay Health Workers, midwives, nurses, vaccinators, RHU staff, volunteers, partner agencies, community leaders, at lahat ng stakeholders na walang sawang sumuporta sa kampanya.

Sama-sama nating pinapatunayan na kapag ang buong komunidad ay nagkakaisa, mas maraming buhay ang napoprotektahan.

29/08/2026

𝐀𝐍𝐎 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐑𝐌 𝐍𝐀 𝐈𝐓𝐎?

Alam mo ba kung bakit may Quick Health Assessment Form bago mabakunahan ang iyong anak laban sa Measles-Rubella (MR)?

Ang form na ito ay hindi waiver. Ginagamit ito upang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng bata bago siya bakunahan—kabilang ang kanyang pangunahing impormasyon, vaccination history, vital signs, at iba pang kondisyon na kailangang malaman ng healthcare worker.

Mahalaga rin ang form bilang pagpapaalam at pagbibigay ng pahintulot (consent) ng magulang o tagapag-alaga para sa pagbabakuna ng bata matapos ang wastong pagsusuri at pagpapaliwanag ng healthcare worker.

Para sa ligtas at maayos na pagbabakuna, makipagtulungan at maging tapat sa pagsagot sa Quick Health Assessment Form.

May tanong tungkol sa form o bakuna?
Magtanong sa ating mga health workers sa pinakamalapit na health facility.

Sama-sama nating protektahan ang bawat bata laban sa Measles at Rubella!

29/08/2026
29/08/2026

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀 𝐄𝐗𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐃 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 4, 2026! 📢

Pinalawig ng Department of Health ang ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) o Ligtas Tigdas Campaign hanggang SEPTEMBER 4, 2026.

Layunin ng extension na ito na maabot pa ang lahat ng batang hindi pa nababakunahan at masiguro na WALANG BATANG MAIIWAN na walang proteksyon laban sa nakakahawa at mapanganib na sakit na Measles at Rubella.

SINO ANG DAPAT PABAKUNAHAN?
Lahat ng bata na may edad 6 buwan hanggang 59 buwan (4 years old at 11 months), kahit pa may bakuna na noon o wala pang bakuna laban sa tigdas. Isang karagdagang dose ito para sa mas matibay na proteksyon.

BAKIT ITO MAHALAGA?
Ang tigdas ay lubhang nakakahawa at maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pulmonya, pagkabulag, at pagkaantala ng paglaki ng bata. Ang pinakamabisang proteksyon ay ang kumpletong bakuna. Ang bakuna ay LIBRE, LIGTAS, at napatunayang EPEKTIBO.

Pumunta lamang sa inyong pinakamalapit na:
📍 Rural Health Unit (RHU)
📍 Barangay Health Station (BHS)
📍 Barangay Vaccination Post / Temporary Post
📍 At sa ating mga house-to-house vaccination teams

Magdala lamang ng Immunization Card / Baby Book ni baby at huwag kalimutang isama si nanay o tatay o guardian.

Huwag na nating hintayin pang magkasakit si baby bago kumilos. Kung hindi pa nabakunahan sa MR-SIA, pumunta na ngayong linggo.


💚💉 𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝙇𝙄𝙂𝙏𝘼𝙎 𝙏𝙄𝙂𝘿𝘼𝙎! 💉💚Isang malaking tagumpay para sa ating mga bata at sa buong bayan ng Gamay! 🎉Batay sa MRS...
29/08/2026

💚💉 𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝙇𝙄𝙂𝙏𝘼𝙎 𝙏𝙄𝙂𝘿𝘼𝙎! 💉💚

Isang malaking tagumpay para sa ating mga bata at sa buong bayan ng Gamay! 🎉

Batay sa MRSIA Accomplishment Report as of August 27, 2026, umabot na sa 𝟭,𝟯𝟯𝟬 bata ang nabakunahan laban sa Tigdas at Rubella, katumbas ng 𝟵𝟭.𝟮𝟮% 𝘃𝗮𝗰𝗰𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗿𝗮𝘁𝗲 batay sa actual population. Dahil dito, ang Gamay ay kasalukuyang nasa 𝗧𝗢𝗣 𝟯 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗿! 🥉👏

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng ating komunidad. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga Punong Barangay at barangay officials, BNS/BHWs, partner agencies, volunteers, at lahat ng stakeholders na walang sawang sumuporta sa kampanyang Ligtas Tigdas.

🌷 Higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga nanay, tatay, at caregivers na nagtiwala sa programa at piniling pabakunahan ang kanilang mga anak. Ang inyong tiwala at pakikiisa ay isang malaking hakbang upang maprotektahan hindi lamang ang inyong sariling anak kundi pati ang buong komunidad laban sa tigdas at rubella.

❤️ At isang napakalaking, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga health workers! Sa bawat bahay na inyong pinuntahan, bawat batang hinanap, bawat magulang na kinausap at hinikayat, at sa bawat araw na inyong inilaan—kayo ang puso at lakas ng kampanyang ito. Ang inyong sipag, tiyaga, at malasakit ang dahilan kung bakit patuloy nating naaabot ang ating mga anak.

Pero hindi pa tayo tapos! Patuloy nating hanapin at abutin ang bawat batang hindi pa nababakunahan.

🎯 Ang ating hangarin: walang batang maiiwan.

Tuloy-tuloy ang laban para sa isang LIGTAS, MALUSOG, at PROTEKTADONG Gamay! 💚

📣 Tuloy-tuloy ang Ligtas Tigdas! 💉👶Patuloy ang ating pagsisikap na maprotektahan ang bawat bata laban sa Tigdas at Rubel...
25/08/2026

📣 Tuloy-tuloy ang Ligtas Tigdas! 💉👶

Patuloy ang ating pagsisikap na maprotektahan ang bawat bata laban sa Tigdas at Rubella sa pamamagitan ng Rapid Convenience Monitoring (RCM) na isinagawa ng Provincial DOH Office (PDOHO) at Provincial Health Office (PHO) na ginawa ngayong araw sa BRGY CAGAMUTAN DEL NORTE at BRGY BAYBAY para sa ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA). 💙❤️

Mahalaga ang RCM upang masiguro na naaabot at nababakunahan ang lahat ng kwalipikadong bata, at upang matukoy agad ang mga lugar na nangangailangan pa ng mas pinaigting na pagbabakuna.

Maraming salamat sa ating mga katuwang mula sa PDOHO at PHO, gayundin sa ating mga health workers, BHWs, barangay officials, at mga magulang na patuloy na sumusuporta sa programang ito. 🙏

👨‍👩‍👧‍👦 Mga Nanay, Tatay at Guardians: Kung kwalipikado ang inyong anak para sa MRSIA at hindi pa nababakunahan, makipag-ugnayan sa inyong BHW o pumunta sa pinakamalapit na vaccination site.

💉 Bakuna ang proteksyon.
❤️ Bawat bata ay mahalaga.
🎯 Layunin natin: walang batang maiiwan!






24/08/2026

Mga momsh, dire in sya vlogger or influencer, pero sayo sya sa espeyalista na PEDIATRICIAN sa Northern Samar. Tagan man liwat kunta nyo oras mapamatian an kanya mensahe para man matimbang kun nano ba an TAMA NA IMPORMASYON para sa iyo mga kabataan.

Ligtas ngan epektibo an bakuna! 💪

Mga momsh, BASA tayo para masayuran 💪
20/08/2026

Mga momsh, BASA tayo para masayuran 💪

𝐌𝐌𝐑 𝐚𝐭 𝐌𝐑: 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐛𝐚?

Alam mo ba na magkaiba ang gamit ng MMR at MR vaccines?

Ang MMR (Measles-Mumps-Rubella) ay bahagi ng routine immunization schedule at nagbibigay ng regular na proteksyon laban sa tigdas, beke, at rubella. Samantala, ang MR (Measles-Rubella) ay ginagamit sa Special Immunization Activities (SIA), lalo na kapag may outbreak o banta ng outbreak, upang mabilis na mapalawak ang proteksyon ng komunidad.

Kaya kahit nabakunahan na ng MMR ang iyong anak, maaaring kailanganin pa rin ang MR vaccination kapag may isinasagawang SIA.

Magkaiba ang gamit nila—pareho silang mahalaga sa pagbibigay ng proteksyon laban sa measles at rubella.

Para sa tamang impormasyon tungkol sa bakuna, kumonsulta sa inyong BHW, midwife, nurse, o iba pang health worker.

Piliin ang tamang impormasyon. Piliin ang proteksyon. Sama-sama nating panatilihing Ligtas ang Tigdas!

20/08/2026

Matakot sa SAKIT, wag matakot sa bakuna 💪

19/08/2026

Address

Brgy. Occidental 1
Gamay
6422

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Gamay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RHU Gamay:

Shortcuts

Share

Category