02/10/2026
𝐍𝐔𝐄𝐕𝐀 𝐄𝐂𝐈𝐉𝐀, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐊𝐈 𝐍𝐆 𝐄𝐊𝐎𝐍𝐎𝐌𝐈𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐑𝐀𝐋 𝐋𝐔𝐙𝐎𝐍!
Ayon sa pinakahuling ulat ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗣𝗦𝗔), lumago ng 7.0% 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗸𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗘𝗰𝗶𝗷𝗮 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 2025—ang pinakamataas na growth rate sa lahat ng lalawigan at highly urbanized cities sa Central Luzon. Mas mataas din ito sa 4.5% na kabuuang paglago ng ekonomiya ng rehiyon. Sumunod ang Tarlac sa 5.7% at Pampanga sa 5.6%.
Umabot sa tinatayang ₱355.09 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗿𝗼𝘀𝘀 𝗗𝗼𝗺𝗲𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁 𝗼 𝗚𝗗𝗣 ng Nueva Ecija sa constant 2018 prices. Mas mabilis din ang paglago ngayong 2025 kumpara sa 5.6% na growth noong 2024.
Kabilang sa mga sektor na nagtala ng pinakamalaking paglago ang human health and social work activities sa 19.4%, wholesale and retail trade at repair of motor vehicles and motorcycles sa 12.3%, at accommodation and food service activities sa 12.0%.
Sa pamumuno nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, patuloy na nakatuon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pagpapalakas ng agrikultura, negosyo, pamumuhunan, serbisyong pangkalusugan, imprastraktura, at iba pang programang nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Novo Ecijano.
Ang magandang resulta ng ating ekonomiya ay bunga ng sama-samang ambag ng ating 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚, 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚, 𝐧𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐦𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐡𝐮𝐧𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐠𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐠𝐞𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬, 𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐍𝐨𝐯𝐨 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚𝐧𝐨 na patuloy na nagsisikap para sa pag-unlad ng ating lalawigan.
Higit sa magagandang numero, patuloy ang layunin ng Provincial Government na matiyak na ang paglago ng ekonomiya ay maisalin sa mas maraming trabaho at kabuhayan, mas matatag na negosyo, 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘃𝗼 𝗘𝗰𝗶𝗷𝗮𝗻𝗼.
𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐠𝐨. 𝐌𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝. 𝐌𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚. 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐍𝐨𝐯𝐨 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚𝐧𝐨.
Source: https://rsso03.psa.gov.ph/content/nueva-ecija-records-70-percent-economic-growth-2025