MHO-Birthing Home General Nakar

MHO-Birthing Home General Nakar This is the Official page of Municipal Health Office - Birthing Home (Bemonc) General Nakar, Quezon

π“πˆππ†ππ€π | Women's Health Caravan / First 1000 Days of Life matagumpay na idinaos!Naging matagumpay ang Women's Health Ca...
04/06/2026

π“πˆππ†ππ€π | Women's Health Caravan / First 1000 Days of Life matagumpay na idinaos!

Naging matagumpay ang Women's Health Caravan / First 1000 Days of Life na ginanap noong ika-3 hanggang ika-4 ng Hunyo, taong 2026 na pinangasiwaan ng Municipal Health Office sa pangunguna ni OIC-MHO Dr. Trystam Eymar Almario katuwang ang Quezon Provincial Health Office. Ito ay ginanap sa Covered Court Brgy. Poblacion General Nakar, Quezon

Dinaluhan ito ng mga buntis mula sa iba't ibang barangay dito sa ating bayan. Bilang bahagi ng programang pangkalusugan para sa mga ina at kanilang sanggol, sila ay pinagkalooban ng mga libreng serbisyo tulad ng libreng ultrasound, CBC, blood typing, urinalysis, nutrition education and counseling, family planning counseling, oral health examination at pamimigay ng bitamina at OB supplements.

Sa pamumuno ng minamahal na Ama ng Bayan, Mayor Alfredo J. Pujeda, at sa pakikipagtulungan ng Quezon Provincial Health Office
na pinangungunahan ni Governor Doktora Helen Tan, patuloy nating inilalapit ang sebisyong pangkalusugan para sa bawat Nakarin.

Malusog na Ina, Masiglang Sanggol, Matatag na Pamilya!πŸ’–πŸ€°πŸ€±

π“πˆππ†ππ€π | Buntis Congress 2026 na may temang β€œWastong Kalusugan at Alaga kay Nanay, Proteksyon at Kalusugan ni Baby Maka...
03/06/2026

π“πˆππ†ππ€π | Buntis Congress 2026 na may temang β€œWastong Kalusugan at Alaga kay Nanay, Proteksyon at Kalusugan ni Baby Makakamtan!” matagumpay na idinaos!

Naging matagumpay ang β€œBuntis Congress 2026” na ginanap noong ika-2 ng Hunyo, taong 2026 na pinangasiwaan ng Municipal Health Office, sa pangunguna ni OIC-MHO Dr. Trystam Eymar Almario. Ito ay ginanap sa Covered Court ng Brgy. Poblacion, General Nakar, Quezon.

Nakiisa at nagbigay-suporta sa nasabing programa ang ating minamahal na Punong Bayan na si Hon. Alfredo J. Pujeda, kasama sina Executive Assistant V Efren Pujeda at Mary Ann Vargas.

Dinaluhan ito ng mga buntis mula sa iba’t ibang barangay dito sa ating bayan. Sinundan ito ng pagtalakay tungkol sa ilang mahahalagang paksa, partikular ang may kaugnayan sa Pregnancy, Pre-Natal, at Post-Natal Care, Danger Signs of Pregnancy, Nutrition, Oral Health, Facility-Based Delivery, Breastfeeding, Newborn Screening Test, Immunization, Family Planning, at Philhealth.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ng ating Punong Bayan, katuwang ang Municipal Health Office ang mga programang naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat ina at sanggol tungo sa isang mas malusog at mas matatag na bayan ng General Nakar.

πŸ“£ HALINA MGA BUNTIS, TARA NA! πŸ€°πŸ’–Inaanyayahan ang lahat ng mga buntis sa ating bayan na makiisa sa Buntis Congress 2026 a...
03/06/2026

πŸ“£ HALINA MGA BUNTIS, TARA NA! πŸ€°πŸ’–

Inaanyayahan ang lahat ng mga buntis sa ating bayan na makiisa sa Buntis Congress 2026 at Women’s Health Caravan / F1K Days upang makatanggap ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at sanggol. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya sa General Nakar!

πŸ“Œ MAHALAGA:
πŸ—“οΈ Day 1 – June 2, 2026: Magkakaroon ng health-related lectures para sa mga buntis na naglalayong magbigay ng kaalaman ukol sa kalusugan ng ina at sanggol, tamang pag-aalaga sa pagbubuntis, at iba pang mahahalagang paksa. Kasabay nito ang pamamahagi ng Buntis Kits para sa mga kalahok. 🎁🀰

🩺 MAHALAGANG PAALALA SA SCHEDULE NG BUNTIS LABORATORY:

πŸ“ June 3, 2026 – Prayoridad ang mga buntis mula sa mga malalayong barangay:
β€’ Canaway
β€’ Maligaya
β€’ Sablang
β€’ San Marcelino
β€’ Pagsangahan
β€’ Lumutan
β€’ Umiray

πŸ“ June 4, 2026 – Prayoridad naman ang mga buntis mula sa mga kalapit na barangay

Upang masiguro ang maayos at organisadong daloy ng serbisyo, hinihiling po ang pakikiisa ng lahat sa nakatalagang iskedyul.

Sa pamumuno ng minamahal na Ama ng Bayan, Mayor Alfredo J. Pujeda, at sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office na pinangungunahan ni Governor Doktora Helen Tan, patuloy nating inilalapit ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Nakarin.

πŸ’– Ang malusog na ina ay pundasyon ng malusog na pamilya at komunidad.
General Nakar, Quezon

Address

Pulang Lupa Brgy. Anoling
General Nakar
4338

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MHO-Birthing Home General Nakar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share