20/08/2026
| ๐ก๐๐ก๐ข๐ฌ ๐๐ค๐จ๐๐ก๐ข ๐๐๐ฌ
Ngayong araw, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa pagpaslang kay dating Senador Benigno โNinoyโ Aquino Jr. sa Manila International Airport noong 1983. Ang kanyang pagkamatay ay nagpasidhi sa kilusang oposisyon laban sa diktadura at naging isa sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa People Power Revolution noong 1986.
Idineklara ang araw na ito bilang isang espesyal na araw ng paggunita sa ilalim ng Republic Act No. 9256, na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Pebrero 25, 2004. Para sa iba, maaaring isa lamang itong araw ng pahinga, ngunit higit pa rito ang kahulugan ng araw na ito. Isang pagkakataong alalahanin ang isang Pilipinong nanindigan laban sa awtoritaryanismo at ipinaglaban ang demokrasya.
ษช๊ฑษชษดแดสแดแด ษดษช: Kert Candelario
ษชษดแดสแด๊ฑ ษดษช: Jorlyn Kaye Esteban
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ