14/08/2026
Get vaccinated at trusted clinics, Hindi porket mura ay pwede na lalo na kung nakasalalay ang buhay. Stay Safe everyone!
Namatay ang isang apat na taong gulang na lalaki sa General Santos City mahigit isang buwan matapos umano itong makagat ng isang a*ong-gala na pinaniniwalaang may rabies.
Agad siyang dinala sa ospital kung saan nilinis at tinahi ang kaniyang mga sugat. Binigyan din siya ng bakuna laban sa tetanus.
Matapos ibigay ang tetanus shot noong gabi, kinaumagahan ay ibinigay naman sa bata ang unang dose ng bakuna laban sa rabies. Naka-tatlong dose ng anti-rabies shot ang bata pero bago ang ikaapat na dose, nakitaan na umano ng sintomas ng rabies ang bata.
Ayon sa ospital kung saan na-admit ang bata, karaniwang apat na dose ng bakuna ang ibinibigay sa nakagat ng a*o ngunit hindi na umabot sa huling dose ang pasyente. Nagkaroon din siya ng sugat mula sa kagat ng a*o na malapit sa kaniyang ulo.
”Unfortunately, umabot siya ng third dose pero hindi na siya umabot ng fourth dose. We categorize yung mga sugat or kagat ng a*o… sa pasyente, Category 3… masyado nang malapit sa ulo. Meron tayong ibinibigay na immunuglobilin, which is active yung ibinigay na bakuna,” ayon kay Dr. Jeorge P. Royeca City Hospital Chief, Dr. Ryan Oscar Aplicador.
Basahin: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/promdi/998480/4-anyos-na-lalaki-na-nakagat-ng-a*ong-gala-nasawi-higit-1-buwan-kahit-naturukan-ng-kontra-rabies/story/