President Ramon Magsaysay Memorial Hospital - Iba, Zambales

President Ramon Magsaysay Memorial Hospital - Iba, Zambales The President Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH) is a Level II 150-bed capacity general hospital, and is the Provincial Hospital of Zambales.

Matagumpay na idinaos ngayong araw, May 22, 2026, ang Cervical Cancer Awareness Month Program sa pangunguna ng Departmen...
22/05/2026

Matagumpay na idinaos ngayong araw, May 22, 2026, ang Cervical Cancer Awareness Month Program sa pangunguna ng Department of Obstetrics and Gynecology ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital!
Sama-sama nating hinarap at tinalakay ang isang sakit na bagamat mapanganib, ay lubos na naiiwasan at naaagapan. Nagbahagi ang ating mga dalubhasang doktor sa OB-GYN ng isang mahalagang lektyur tungkol sa kahalagahan ng regular na cervical cancer screening (tulad ng Pap smear at HPV DNA test) at mga paraan ng pag-iwas dito. Binigyang-diin din ang proteksyong hatid ng HPV vaccine—ang ating pinakamalakas na kalasag para tuluyang mapuksa ang sakit na ito. 🛡️
Ang pinakapuso ng ating programa ngayong araw ay ang isang madamdaming patotoo mula sa isang matapang na cervical cancer survivor. Ang kanyang kuwento ay muling nagpaalala sa atin kung bakit patuloy tayong nagtuturo, lumalaban, at nagmamalasakit. Ang pag-aalaga sa kalusugan ngayon ay pagtiyak sa isang mas mahabang bukas kasama ang pamilya. 🩺❤️
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakinig. Huwag nating kalimutan: ang kalusugan ng kababaihan ay kalusugan ng buong pamilya. Magpatingin na sa inyong OB-GYN!


15/05/2026
📢 PUBLIC ADVISORYMagandang araw po. Ipinapaalam po sa lahat na walang available na serbisyo sa Eye Center hanggang Frida...
12/05/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

Magandang araw po. Ipinapaalam po sa lahat na walang available na serbisyo sa Eye Center hanggang Friday (May 15, 2026).

Para sa mga emergency cases, maaari pong dumulog sa Emergency Room (ER) para sa agarang asistensya.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

🌸 PRE-REGISTRATION IS NOW OPEN! 🌸Inaanyayahan ang lahat ng buntis, nagpapasusong ina, at mga magulang na makiisa sa HAKA...
11/05/2026

🌸 PRE-REGISTRATION IS NOW OPEN! 🌸

Inaanyayahan ang lahat ng buntis, nagpapasusong ina, at mga magulang na makiisa sa HAKAB TAMO 2026 – isang pagdiriwang ng breastfeeding, bonding, at pagbuo ng mas matatag na kinabukasan para sa bawat bata. 💕

📍 Venue: PRMMH Function Hall, Palanginan, Iba, Zambales
📅 Date: May 29, 2026
⏰ Time: 8:00 AM onwards

🎉 May mga exciting activities, giveaways, at makabuluhang programa para sa lahat ng kalahok!

📝 PRE-REGISTER NOW!
Magtungo lamang sa Lactation Center (katabi ng OB-Gyne Department) upang magpalista.

📞 Para sa inquiries at pre-registration, maaari ring makipag-ugnayan sa aming contact number: 09272405713/09204171513

💖 Support today, nourish tomorrow.
Together we hakab, together we grow!

📢 PAUNAWA SA PUBLIKO 📢Ipinababatid po sa lahat na walang Dental Clinic ngayong linggo (May 11-15, 2026) hanggang sa susu...
11/05/2026

📢 PAUNAWA SA PUBLIKO 📢

Ipinababatid po sa lahat na walang Dental Clinic ngayong linggo (May 11-15, 2026) hanggang sa susunod na abiso.

Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang maidudulot nito at hinihiling ang inyong pang-unawa. Para sa agarang pangangailangan, maaaring magtungo sa Emergency Room o makipag-ugnayan sa information desk ng ospital.

Maraming salamat po.

Sa pagdiriwang ng National Immunization Month noong buwan ng Abril, patuloy na nakikiisa ang aming tanggapan sa pagsusul...
04/05/2026

Sa pagdiriwang ng National Immunization Month noong buwan ng Abril, patuloy na nakikiisa ang aming tanggapan sa pagsusulong ng kalusugan ng bawat bata sa ating komunidad.

Bilang bahagi ng kampanyang ito, ang ating OPD Nurse na siya ring Under Five Clinic Coordinator ay nagsasagawa ng regular na health education tuwing Miyerkules. Sa bawat lecture, ibinabahagi ang mahahalagang kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng bakuna, ang tamang iskedyul ng pagbabakuna, at higit sa lahat, ang kahalagahan nito sa pagprotekta sa ating mga anak laban sa mga mapanganib at nakahahawang sakit.

Layunin ng mga gawaing ito na mapataas ang kamalayan ng mga magulang at tagapag-alaga, at hikayatin ang bawat isa na maging responsable sa pagpapanatili ng kalusugan ng kanilang mga anak. Ang pagbabakuna ay isang simpleng hakbang ngunit may napakalaking epekto—ito ay nagliligtas ng buhay at nagbibigay ng proteksyon hindi lamang sa indibidwal kundi sa buong komunidad.

Patuloy po naming inaanyayahan ang lahat ng magulang na makiisa sa aming mga aktibidad at siguraduhing kumpleto ang bakuna ng kanilang mga anak. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at malusog na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

In observance of Cervical Cancer Awareness Month, President Ramon Magsaysay Memorial Hospital, Department of Obstetrics ...
30/04/2026

In observance of Cervical Cancer Awareness Month, President Ramon Magsaysay Memorial Hospital, Department of Obstetrics and Gynecology invite you to take a proactive step toward your health.
Cervical cancer is highly preventable and treatable if caught early. We are here to provide the tools, knowledge, and support you need to stay safe!

Event Highlights:

• Educational Lecture: Learn the essentials of cervical cancer screening and prevention from our expert OB-Gyn team.

• Survivor Testimonial: Hear inspiring stories of strength and hope from those who have walked the path.

• Free Services: We are offering FREE Pap Smears to help you take charge of your reproductive health.

Who can join?

Everyone is welcome! Whether you are looking to get screened or simply want to learn more about prevention for yourself and your loved ones, our doors are open.

"An ounce of prevention is worth a pound of cure." Don't wait for symptoms to appear. Early detection saves lives!

How to Register:
Visit the OB-Gyn OPD at PRMMH between May 4 and May 21 to secure your slot. Let’s make health a priority this May!

📢 PAALALA SA PUBLIKOIpinapaalam po na ang Outpatient Department (OPD) – Medicine ay SARADO sa Mayo 7, 2026 (Thursday). M...
29/04/2026

📢 PAALALA SA PUBLIKO

Ipinapaalam po na ang Outpatient Department (OPD) – Medicine ay SARADO sa Mayo 7, 2026 (Thursday). Magbabalik sa regular na operasyon sa susunod na araw ng pasok.

Para sa mga emergency na kaso, mangyaring dumiretso sa Emergency Room (ER) para sa agarang tulong.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.

Address

Palanginan Iba, Zambales
Iba
2201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when President Ramon Magsaysay Memorial Hospital - Iba, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category