23/04/2026
๐ฃ๐๐ก๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐-๐จ๐ก๐๐ช๐, ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐, ๐๐ง ๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐ง
Ang pamunuan at buong pamilya ng Ibajay District Hospital (IDH) ay kaisa ng ating komunidad sa pagdadalamhati para sa pamilya ni Sheryl Evangelista Florendo. Sa mga panahong ito, nauunawaan namin ang bigat ng kalooban, ang lungkot, at ang paghahanap ng kasagutan.
Subalit, kasabay ng aming pakikidalamhati, nais din naming ibahagi ang isang katotohanang kasalukuyang nararanasan ng aming mga healthcare staff:
๐๐ป๐ด ๐๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐
Nitong mga nakaraang araw, nakaranas ang aming mga doktor at nurse ng matitinding batikos, masasakit na salita, at maging banta sa kanilang kaligtasan sa social media. Masakit man aminin, ang mga ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ฐ๐จ๐ข๐ต๐ฐ๐ณ๐บ ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต๐ด na ito ay nagdudulot ng matinding takot at panghihina ng loob sa ating mga frontliners - mga taong buong pusong nagsisilbi, puyat, at pagod para lamang magligtas ng buhay.
Ang aming mga nurse at doktor ay tao rin. May mga pamilya rin silang nag-aalala para sa kanila. Ang mga banta at maling paratang ay hindi lamang nakakasira sa kanilang dangal, kundi nagpapababa rin sa moral ng buong ospital na patuloy na lumalaban para sa kalusugan ng Ibajay at mga karatig bayan.
๐๐ป๐ด ๐๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
Nais naming bigyang-diin na ang bawat hakbang na ginawa ng ating team - mula sa pagtanggap sa pasyente hanggang sa pag-refer sa higher level facility - ay udyok ng tungkulin at pagmamahal sa kapwa. Sinunod namin ang mga protocol ng DOH (Dept. Circular 2021-0005) dahil ang aming pasilidad ay isang Infirmary lamang, at ang tanging hangad namin ay mailapit ang pasyente sa mas mataas na antas ng kagamitan na kailangan ng kanyang sitwasyon.
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐, ๐ฎ๐ ๐จ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด
Kami ay nananawagan sa ating publiko:
๐ข๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐ฃ๐ช๐ง๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ. Iwasan po sana ang pagpapakalat ng galit o banta na walang basehan.
๐ข๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ. Ginagawa namin ang lahat sa abot ng aming makakaya at kagamitan.
๐ข๐ฆ๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ณ๐ฟ๐ผ๐ป๐๐น๐ถ๐ป๐ฒ๐ฟ๐. Sa gitna ng trahedyang ito, kailangan po namin ang inyong panalangin at pag-unawa, hindi ang inyong p**t.
Patuloy kaming magsisilbi. Patuloy kaming lalaban para sa inyo. Hinihiling lang namin ang kaunting espasyo para sa respeto at malasakit - para sa pamilyang nagluluksa, at para sa mga health workers na patuloy na nagsasakripisyo.
Maraming salamat po.