21/08/2026
π©Ί USAPANG KONSULTA: PANANAKIT NG TIYAN
Hindi lahat ng sakit ng tiyan ay kailangang tiisin. Pero kailan nga ba dapat magpakonsulta? π
π₯ MAGPAKONSULTA KUNG:
β’ Pananakit >24 oras o paulit-ulit bumabalik
β’ Lumalala o hindi gumagaling
β’ May lagnat, paulit-ulit na pagsusuka, o matinding pagtatae
β’ Paulit-ulit na sakit na may kaugnayan sa pagkain
β’ May pagbaba ng timbang o pagkawala ng gana kumain
β’ May ulcer, GERD/hyperacidity, o constipation na lumalala o hindi makontrol
β’ Buntis, bata, senior citizen, o may ibang medical conditions
π¨ββοΈ KANINONG DOKTOR?
β’ General Practitioner / Family Medicine / Primary Care
β’ Internal Medicine β adults
β’ Pediatrics β children
β’ Gastroenterologist β ulcer, GERD, gastritis, atay, bituka, pancreas at apdo
β’ General Surgeon β appendicitis, gallstones, hernia, at iba pang maaaring mangailangan ng operasyon
β’ OB-Gyne β pananakit ng puson o posibleng reproductive problems
π¨ EMERGENCY ROOM:
Biglaan at matinding sakit ng tiyan, matigas na tiyan, dugo sa suka/dumi, maitim na dumi, hindi makainom dahil sa pagsusuka, o nahihilo/nawawalan ng malay.
Kung may alinlangan, mas mabuting magpakonsulta nang mas maaga.
π Educational content only. Hindi ito kapalit ng personal na konsultasyon sa doktor.