29/07/2026
๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ก๐ฌ๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฆ
Ang diabetes ay isang sakit kung saan tumataas ang antas ng glucose sa dugo dahil kulang o hindi maayos ang paggamit ng insulin ng katawan.
Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng seryosong komplikasyon sa puso, bato, mata, at mga ugat. Ilan sa mga karaniwang sintomas nito ay matinding pagkauhaw, madaling pagkapagod, malabong paningin, mabagal na paghilom ng sugat, pamamanhid ng kamay o paa, at biglaang pagbaba ng timbang.
Huwag hintaying lumala ang mga sintomas. Ang maagang pagpapasuri at tamang gamutan ay makatutulong upang maiwasan ang mga komplikasyon at mapanatili ang magandang kalidad ng buhay.
Kung nakararanas ng mga sintomas, magtungo sa pinakamalapit na health center o kumonsulta sa isang healthcare professional para sa agarang pagsusuri at tamang pangangalaga.