Imus City Health Office

Directions

Imus City Health Office Health Services

MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!Alamin kung saan maaaring matagpuanang mga kitikiti. ...
14/11/2026

MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!

Alamin kung saan maaaring matagpuan
ang mga kitikiti. Karaniwan itong nakikita sa mga lalagyan o sisidlang may naipong tubig, tulad ng timba, plorera, paso, bote, lata, gulong, drum, at iba pang maaaring pamugaran ng lamok.

Kung may makitang kitikiti, agad na itapon ang naipong tubig at linisin ang lalagyan upang mapigilan ang pagdami ng lamok. Regular ding suriin ang paligid at alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig.

Patuloy na gawin ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating tahanan at komunidad.










ALAGAAN ANG BALAT, ALAGAAN ANG KALUSUGANAng tamang kaalaman ay mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng kalusugan ng balat...
14/11/2026

ALAGAAN ANG BALAT, ALAGAAN ANG KALUSUGAN

Ang tamang kaalaman ay mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng kalusugan ng balat. Sa pamamagitan ng maagang pagtukoy, at wastong pangangalaga, maiiwasan ang ilang sakit sa balat at mababawasan ang stigma laban sa mga taong mayroon nito.

Alagaan ang balat ngayon:
✅ Panatilihin ang wastong kalinisan ng katawan at kapaligiran
✅ Huwag balewalain ang mga pagbabago sa balat
✅ Magpakonsulta sa pinakamalapit na Health Center o YAKAP Clinic

Say No to Discrimination. Stop the Stigma! Ang maagang pagpapatingin ay mahalaga upang matukoy ang kondisyon at mabigyan ito ng angkop na pangangalaga.

Ngayong National Skin Disease Detection and Prevention Week, palawakin natin ang kamalayan at hikayatin ang bawat isa na pahalagahan ang kalusugan ng balat.









Hindi naka-enroll ang aking anak. Maaaari pa rin ba siyang mabakunahan sa Bakuna Eskwela? Ang mga batang hindi mababakun...
10/11/2026

Hindi naka-enroll ang aking anak. Maaaari pa rin ba siyang mabakunahan sa Bakuna Eskwela?

Ang mga batang hindi mababakunahan sa Bakuna Eskwela—kabilang ang mga hindi nag-aaral at A.L.S. learners—ay maaaring pumunta sa pinakamalapit na health facility para sa schedule ng bakuna.

Para sa karagdagang impormasyon, magtanong sa mga healthcare worker sa inyong lugar.

Magpabakuna Na!




!



MAY SAKIT BANG MARARAMDAMAN ANG AKING ANAK PAGKATAPOS MABAKUNAHAN? Karaniwang banayad o panandalian lamang ang mga reaks...
09/11/2026

MAY SAKIT BANG MARARAMDAMAN ANG AKING ANAK PAGKATAPOS MABAKUNAHAN?

Karaniwang banayad o panandalian lamang ang mga reaksyon pagkatapos mabakunahan, tulad ng:
✅ Lagnat
✅ Pananakit o pamamaga sa bahaging tinurukan; o
✅ Pagkahilo

Tanda lamang ang mga ito na gumagana ang proteksyon ng bakuna sa inyong anak.

Upang makatulong na maiwasan ang pagkahilo, panatilihing nakaupo ang bata nang 15-30 minuto pagkatapos mabakunahan.

Kung makaranas naman ng hindi pangkaraniwan o malubhang reaksyon, agad na kumonsulta sa health worker o pinakamalapit na health facility para sa angkop na pagsusuri at pangangalaga.

Huwag palampasin ang dagdag na proteksyon para sa inyong anak. Makiisa sa Bakuna Eskwela 2026!

Mula October 12 hanggang December 15, pabakunahan sa mga pampublikong paaralan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 laban sa Measles, Rubella, Tetanus at Dipterya. Gayundin ang mga Grade 4 na babae laban sa human papillomavirus (HPV) na nagdudulot ng cervical cancer.

Para sa karagdagang impormasyon, magtanong sa mga g**o at mga healthcare worker sa inyong lugar.

Magpabakuna Na!




!





09/11/2026
ALAMIN ANG LIGTAS AT TAMANG PAG-INOM NG ANTIBIOTIC!Ngayong parating na Philippine Antimicrobial Awareness Week (PAAW), p...
07/11/2026

ALAMIN ANG LIGTAS AT TAMANG PAG-INOM NG ANTIBIOTIC!

Ngayong parating na Philippine Antimicrobial Awareness Week (PAAW), paalala ng Kagawaran ng Kalusugan ang ligtas at tamang pag-inom ng antibiotic. Ang Antimicrobial Resistance (AMR) ay nangyayari ‘pag ang gamot ay hindi na tumatalab sa bacteria. Ang maling paggamit ng antibiotic, tulad ng pag-inom nang walang reseta at pag-share ng gamot, ay nagpapalala ng AMR.

Magpakonsulta sa doktor, uminom ayon sa reseta, at huwag mag-share ng gamot. Sa tamang paggamit ng antibiotic, napoprotektahan natin ang ating pamilya at ang susunod na henerasyon. Kung nahihirapang huminga o may malubhang sintomas, magtungo agad sa health center, YAKAP clinic, o pinakamalapit na ospital sa inyong lugar.

STOP AMR: Be Smart, Take Part, Protect our Future!








Paano Nakakahawa ang Trangkaso? Ang trangkaso ay kumakalat sa pamamagitan ng maliliit na particles na nailalabas ng taon...
07/11/2026

Paano Nakakahawa ang Trangkaso?

Ang trangkaso ay kumakalat sa pamamagitan ng maliliit na particles na nailalabas ng taong may sakit kapag umuubo, bumabahing, o nagsasalita.

Kapag may sakit, takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing, ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at manatili sa bahay para hindi makahawa sa iba.

Magpakonsulta sa iyong YAKAP Clinic para sa regular na check-up, mga kinakailangang laboratory test, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Makakuha rin ng mga gamot sa mga PhilHealth GAMOT facility kung kinakailangan.









PROTEKTAHAN ANG BAGA, MAGPATINGIN NANG MAAGA!Nananatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa ang Lung Ca...
03/11/2026

PROTEKTAHAN ANG BAGA, MAGPATINGIN NANG MAAGA!

Nananatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa ang Lung Cancer, kung saan 1 sa bawat 5 kaso ng kanser sa kalalakihan ay mula rito. Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso, mahalagang malaman na maaari itong maiwasan at mas madaling magamot kapag natuklasan nang maaga!

Upang mapangalagaan ang iyong baga at kalusugan:
- Iwasan ang Yosi at V**e.
- Kumain ng masustansyang pagkain at mag-ehersisyo nang regular.
- Magpakonsulta nang regular: Alamin ang mga sintomas at magpatingin agad kapag may nararamdaman—lalo na kung naninigarilyo o may history ng kanser sa pamilya.

Huwag hihintaying lumala! Pumunta sa pinakamalapit na Health Center o magpakonsulta sa doktor para sa tamang payo at rekomendasyon.








WASTONG PAGTAPON NG BASURA, PROTEKSYON NG PAMILYA!Matapos ang ating pag-alala at pagbisita sa ating mga yumaong mahal sa...
03/11/2026

WASTONG PAGTAPON NG BASURA, PROTEKSYON NG PAMILYA!

Matapos ang ating pag-alala at pagbisita sa ating mga yumaong mahal sa buhay noong Undas, tiyakin natin na manatiling malinis at ligtas ang ating mga sementeryo at komunidad!

Ang mga nakatambak na basura ay maaaring maging pamahayan ng mga peste tulad ng lamok, langaw, daga, at ipis na maaaring nagdadala ng mga nakahahawang sakit.

Sundin ang wastong waste segregation upang maiwasan ang sakit at mapanatiling protektado ang kalusugan ng pamilya.










Happening right now:Mga Nanay, kasalukuyang isinasagawa ngayon (Oktubre 23,2026) ang IUD (Intra-uterine device) at Impla...
23/10/2026

Happening right now:

Mga Nanay, kasalukuyang isinasagawa ngayon (Oktubre 23,2026) ang IUD (Intra-uterine device) at Implant insertion sa Imus Birthing Home sa pakikipag-ugnayan sa DKT Company na patuloy na nagbibigay ng libreng serbisyo para sa nga kakabaihan na naghahangad na makamit ang “proper birth spacing “ tungo sa responsableng pagpapamilya.

Ang nasabing programa ay tatagal hanggang alas-tres (3:00 pm) ng hapon ngayong araw.

Kaya sa mga nanay na nais na makakuha ng libreng serbisyo na hatid ng ating City Health Office sa pangunguna ng ating masigasig na City Health Officer- Dr. Ferdinand P. Mina,RMT,magsadya po lamang sa Imus Birthing Home.


Address

Tahimik Street , Poblacion 3-B
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imus City Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share