ONI Mothers' Support Group

Directions

ONI Mothers' Support Group Official Page of ONI Mothers' Support Group.

Sharing hospital activities, maternal, and child health education, announcements, and community programs to support mothers and families.

CALLING ALL BREASTFEEDING MOMS!Halina’t makilahok sa ating HAKAB ’TA 2026! 🎉📅 Miyerkules, August 12, 2026📍   Ospital ng ...
11/08/2026

CALLING ALL BREASTFEEDING MOMS!

Halina’t makilahok sa ating HAKAB ’TA 2026! 🎉

📅 Miyerkules, August 12, 2026
📍 Ospital ng Imus – Training Room

Tara na at makiisa sa pagdiriwang ng breastfeeding, pagmamahal, at suporta para sa ating mga ina at sanggol! 💗

👩‍🍼 Para sa lahat ng breastfeeding moms, inaanyayahan po namin kayong dumalo at makibahagi sa makabuluhang pagtitipong ito.

9 days to go! 🎉Inaanyayahan po namin ang ating mga naging pasyente at mga ina na makiisa at makilahok sa ating gaganapin...
03/08/2026

9 days to go! 🎉

Inaanyayahan po namin ang ating mga naging pasyente at mga ina na makiisa at makilahok sa ating gaganaping Hakab’ta 2026 sa Ospital ng Imus ngayong August 12, 2026.

Sama-sama po nating ipagdiwang at suportahan ang kahalagahan ng breastfeeding, kalusugan, at pagmamahal ng bawat ina para sa kanilang mga anak. 💙

Kita-kits sa Hakab’ta 2026!

Sama-sama po nating ipagdiwang ang Hakab'Ta 2026!
27/07/2026

Sama-sama po nating ipagdiwang ang Hakab'Ta 2026!

Ang breastfeeding on demand ay nangangahulugang pagpapasuso tuwing nagpapakita ng senyales ng pagkagutom ang sanggol, at...
22/07/2026

Ang breastfeeding on demand ay nangangahulugang pagpapasuso tuwing nagpapakita ng senyales ng pagkagutom ang sanggol, at hindi lamang ayon sa nakatakdang oras.

Kapag agad na natutugunan ang pangangailangan ng sanggol, mas nagiging maayos ang pagpapasuso, mas napapanatili ang sapat na suplay ng gatas ng ina, at nabibigyan ang sanggol ng nutrisyon, ginhawa, at kapanatagan na kailangan niya para sa malusog na paglaki at pag-unlad.

Tandaan: Hindi palaging umiiyak ang sanggol dahil sa gutom, ngunit ang pag-alam sa mga senyales ay makatutulong upang maibigay ang tamang pag-aaruga sa tamang oras.

Mag-Breastfeeding na! 🤱Unahin ang breastfeeding para sa mas malusog na sanggol at mas malakas na ugnayan ng ina at anak....
20/07/2026

Mag-Breastfeeding na! 🤱

Unahin ang breastfeeding para sa mas malusog na sanggol at mas malakas na ugnayan ng ina at anak.

Ang tagumpay ng breastfeeding ay nakasalalay hindi lamang sa ina, kundi sa suporta ng pamilya, komunidad, mga employer, at mga healthcare provider. Sama-sama po nating itaguyod ang isang kapaligirang nagbibigay-lakas at suporta sa bawat nagpapasusong ina.

Ang Outpatient Department ng Ospital ng Imus ay nagsagawa po ng Mother's Class at Family Planning Lecture noong Hunyo 24...
20/07/2026

Ang Outpatient Department ng Ospital ng Imus ay nagsagawa po ng Mother's Class at Family Planning Lecture noong Hunyo 24, 2026. Layunin ng mga programang ito na mapalawak ang kaalaman ng mga ina at mga mag-asawa tungkol sa ligtas na pagbubuntis, tamang pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol, at mga angkop na paraan ng family planning upang maisulong ang responsableng pagpaplano ng pamilya at mas malusog na pamumuhay.

22nd National Buntis Day and 2026 National Women’s MonthBilang pagdiriwang ng 22nd National Buntis Day at 2026 National ...
14/07/2026

22nd National Buntis Day and 2026 National Women’s Month

Bilang pagdiriwang ng 22nd National Buntis Day at 2026 National Women’s Month, nagsagawa ang OB-Gyn Department, Pediatrics Department, at Outpatient Department ng Family Planning Lecture, Antenatal Lecture, at Buntis Day activities. Layunin ng mga gawaing ito na mabigyan ng tamang kaalaman at suporta ang mga buntis at kanilang pamilya para sa ligtas na pagbubuntis at panganganak.

- Marso 10-11, 2026

Ospital ng Imus, Mother-Baby Friendly Hospital and Workplace Certified!Ikinagagalak po naming ibahagi na ang Ospital ng ...
13/07/2026

Ospital ng Imus, Mother-Baby Friendly Hospital and Workplace Certified!

Ikinagagalak po naming ibahagi na ang Ospital ng Imus ay nakapasa sa unang validation visit ng Department of Health (DOH) – CALABARZON para sa Mother-Baby Friendly Hospital Initiative (MBFHI) noong Setyembre 23, 2025.

Ang pagkilala pong ito ay patunay ng ating patuloy na pagsunod sa Ten Steps to Successful Breastfeeding, Executive Order No. 51 (Milk Code), at Republic Act No. 10028 (Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009).

Layunin po ng MBFHI na palakasin ang suporta at proteksyon para sa tamang pagpapasuso ng mga ina at kanilang sanggol, alinsunod sa mga pamantayan ng World Health Organization.

Patuloy po ang Ospital ng Imus sa pagbibigay ng ligtas, maayos, at mapagmahal na pangangalaga para sa mga ina at sanggol ng ating komunidad.

Address

Malagasang I-G
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ONI Mothers' Support Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category