28/05/2026
🌧️ JUNE IS COMING… at kasabay nito ang mas mataas na panganib ng DENGUE. 🦟
Bilang mga magulang, mahalagang maprotektahan natin ang ating pamilya lalo na ang mga bata laban sa dengue. Simpleng pag-iwas at tamang kaalaman ay malaking tulong upang maiwasan ang sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.
✅ Alisin ang naipong tubig sa paso, gulong, bote, at iba pang maaaring pamugaran ng lamok
✅ Panatilihing malinis ang paligid
✅ Gumamit ng proteksyon laban sa kagat ng lamok
✅ Agad magpatingin kapag may sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, pagsusuka, o panghihina
📌 Tandaan: Walang specific na gamot para sa dengue kaya mahalaga ang maagap na aksyon at pag-iwas.
Ngayong Dengue Awareness Month, sama-sama nating protektahan ang bawat tahanan laban sa dengue. 💚