24/02/2026
FYI
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐ง๐๐๐ง๐ญ๐, ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง โ Umabot na sa pormal na aksyon ang imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon matapos sampahan ng kaso ang driver at rehistradong may-ari ng isang colorum na bus na nasangkot sa malagim na road crash incident sa bayan ng Infanta, Quezon, na ikinasawi ng isang pasahero at ikinasugat ng ilan pa.
Sa ilalim ng pinaigting na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa direktiba ng Department of Transportation sa pamumuno ni Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez, ikinasa ng LTO ang agarang paghahain ng reklamo laban sa mga responsable.
Pinangunahan ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena ang pagsasampa ng kaso laban sa driver at operator, kaugnay ng paglabag sa Section 18 in relation to Section 24 ng Commonwealth Act No. 146 o ang Public Service Act, na nagbabawal sa operasyon ng mga pampasaherong sasakyan na walang prangkisa.
Ayon sa Spot Report, nawalan umano ng kontrol ang bus habang binabagtas ang isang bahagi ng kalsada sa Infanta, dahilan upang magdulot ito ng seryosong pinsala sa mga sakay at sa huli ay kumitil ng buhay ng isa sa mga biktima.
Mariing iginiit ng LTO na ang operasyon ng colorum na sasakyan ay hindi lamang paglabag sa batas kundi tahasang paglalagay sa alanganin ng buhay ng mga pasahero.
Sa pahayag ni RD Decena:
โHindi namin palalampasin ang ganitong uri ng iligal na operasyon na malinaw na naglalagay sa panganib ng buhay ng ating mga kababayan. Ang insidenteng ito ay isang paalala na ang colorum na transportasyon ay walang lugar sa ating mga kalsada. Patuloy naming paiigtingin ang operasyon laban sa mga lumalabag upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Pilipino.โ
Sa gitna ng trahedyang iniwan ng insidente, muling iginiit ng LTO na ang pananagutan ay hindi nagtatapos sa paghahain ng kaso. Para sa ahensya, ang tunay na laban ay ang tuluyang pagpuksa sa colorum na operasyon na patuloy na naglalagay sa publiko sa panganib. Habang hinihintay ang hustisya para sa mga biktima, malinaw ang mensahe ng pamahalaan, walang puwang ang iligal na transportasyon sa lansangan, at ang bawat paglabag ay may kaakibat na pananagutan.