12/05/2026
๐OPERATION TULI 2026 ๐
Isang matagumpay at makabuluhang araw ang isinagawa sa Operation Tuli 2026 na ginanap sa RHU 2 West para sa kabataan ng Tabuk. Taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinapaabot sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging maayos at matagumpay ang programang ito.
Lubos naming pinasasalamatan si Barangay Captain HADJI EYAM K. AJIBON ng Barangay Tabuk sa pagbibigay ng mga gamot at snacks, kasama ang mga masisipag na Barangay Kagawad na buong pusong sumuporta sa aktibidad.
Maraming salamat din sa Alpha Phi Omega Service Fraternity and Sorority, sa pangunguna ni Jonas Luminarias, APO Mu-Xi Chapter President at sa mga miyembro ng APO Pi-Xi Chapter para sa kanilang pagbibigay ng snacks at walang sawang suporta sa programa.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga Organic Nurses at Midwives ng RHU 2 West, sa mga HRH personnel, Barangay Health Workers (BHW), at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na naglaan ng oras, serbisyo at malasakit upang masiguro ang kaligtasan at maayos na pangangalaga sa mga bata.
At higit sa lahat, maraming salamat sa mga magulang at mga batang nakiisa at nagtiwala sa programang ito. Ang inyong suporta at pakikilahok ang naging susi sa tagumpay ng ating Operation Tuli 2026.
๐ Sama-sama para sa mas malusog at mas maayos na kinabukasan ng kabataan!