RHU II - Jose Panganiban, Camarines Norte

RHU II - Jose Panganiban, Camarines Norte PRIMARY CARE PROVIDER - PANGUNAHING TAGAPAGHATID NG SERBISYONG KALUSUGAN

19/08/2026

๐Ÿ›ก๏ธUsapang DAGDAG BAKUNA! ๐Ÿ’‰

๐Ÿ”ŽMaraming tanong, maraming haka-haka, pero ang tamang impormasyon ang tunay na proteksyon.

๐Ÿ’ช Alamin ang kaibahan ng supplemental immunization activity o dagdag na bakuna sa routine immunization o regular na bakuna. Dahil kapag tama ang impormasyon, mas panatag ang bawat magulang.

๐ŸŒŸ Ang bakuna ay ligtas at libre para sa proteksyon ng lahat ng bata.

18/08/2026

LIGTAS BA ANG DAGDAG BAKUNA PARA SA TIGDAS AT TIGDAS-HANGIN? ๐Ÿค”๐Ÿ’‰

Ito ang isa sa mga karaniwang tanong na bibigyan natin ng kasagutan.

๐Ÿ”Ž Alamin ang totoong impormasyon at huwag magpapaniwala sa mga sabi-sabi. Ang dagdag na bakuna ay ligtas, libre, at mahalagang proteksyon laban sa tigdas at rubella.

๐Ÿ™‹โ€โ™‚๏ธ Kung kayo ay mga agam-agam tungkol sa bakuna, wag mag atubiling pumunta at magtanong sa health worker o BHW sa inyong lugar para sa tamang impormasyon.

โšก MAS NAKAMAMATAY ANG PANINIWALA SA MALING IMPORMASYON.

Magtanong. Magsiyasat. Makialam.

Dahil ang kaalaman ay isang uri ng proteksyon! ๐Ÿ’›

18/08/2026
10/08/2026

Proteksyon laban sa Measles at Rubella, hatid sa bawat barangay ng Jose Panganiban!

Isasagawa ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) sa ibaโ€™t ibang barangay ng Jose Panganiban, bilang bahagi ng patuloy na kampanya para maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa Measles at Rubella.

Ang gawaing ito ay isinasagawa sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer, Melody Singh Bulawan katuwang ang Local Government Unit of Jose Panganiban sa pamumuno ng ating butihing Mayor Ariel M. Non

Ang pagbabakuna ay proteksyon.
Ang kalusugan ng ating mga anak ay responsibilidad nating lahat.

Dahil ang serbisyong pangkalusugan ay dapat abot sa bawat barangay!

Makilahok at makiisa sa MRSIA. Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Panganibanon laban sa Measles at Rubella.

Bakuna para sa ligtas, malusog at protektadong kabataan!







03/08/2026
๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐ŸŽ๐Ÿ– | ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐€๐ฅ๐ฅ๐ž๐ซ๐ ๐ฒ ๐ƒ๐š๐ฒHindi lahat ng allergy ay simpleng pangangati o pagbahing. Sa ilang pagkakataon, maaari it...
08/07/2026

๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐ŸŽ๐Ÿ– | ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐€๐ฅ๐ฅ๐ž๐ซ๐ ๐ฒ ๐ƒ๐š๐ฒ

Hindi lahat ng allergy ay simpleng pangangati o pagbahing. Sa ilang pagkakataon, maaari itong mauwi sa anaphylaxisโ€”isang malubhang allergic reaction na maaaring maging banta sa buhay.

โš ๏ธ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ต๐˜†๐—น๐—ฎ๐˜…๐—ถ๐˜€:
โ€ข Pantal at pangangati na may matinding pamamaga
โ€ข Paninikip ng dibdib o hirap sa paghinga
โ€ข Pagbilis ng tibok ng puso
โ€ข Pagbagsak ng presyon ng dugo

๐Ÿ“Kapag napansin ang alinman sa mga sintomas na ito, kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital. Ang maagap na pagkilala at tamang paggamot ay maaaring makapagligtas ng buhay.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ข๐—› ๐—•๐—ถ๐—ฐ๐—ผ๐—น ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜.

๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€, ๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ.

Address

Purok 10, Larap
Jose Panganiban
4606

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU II - Jose Panganiban, Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share