10/09/2026
DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS AT COMMUNITY-BASED MENTAL HEALTH SERVICES KONTRA SU***DE
Batay sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng aktibong peer support network ay isa sa pinakamabisang proteksyon laban sa kalungkutan at krisis sa buhay dahil ipinapaalala nito sa bawat isa na hindi sila nag-iisa.
Kaya suportado ng DOH ang patuloy na paggamit ng DOH Peer Support Group Playbook ng mga Provincial at City-Wide Health Systems upang magkaroon ng mas madaling access na tulong pangkaisipan ang bawat Pilipino.
Ngayong World Su***de Prevention Day, maging safe space para sa mga mahal natin sa buhay upang makinig at makipagusap.
Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay nangangailangan ng gabay at konsultasyon, magpaabot ng mensahe o tumawag sa NCMH Crisis Hotline: Toll-Free Hotline: 1553