09/10/2026
VENUS RETROGRADE 2026 October 3 to November 13
Sa Venus Retrograde, mas bibigyang pansin right now ang love, relationships, finances, self worth, at mga unresolved issues from the past.
ARIES
Mapapaisip ka kung emotionally fulfilled ka pa ba sa relationship mo, lalo na kung may unresolved trust issues, jealousy, o problems sa finances. May old connections na muling magpaparamdam, pero magiging malinaw sayo kung sino ang tunay na willing magbigay ng effort at commitment.
TA**US
Magiging aware ka sa worth mo at sa mga ugaling dati mong hinahayaan sa isang relationship. Pwedeng magkaroon ng realizations tungkol sa mixed signals, possessiveness, at unequal effort. Mas pipiliin mo na ang mga taong consistent at nagbibigay ng peace sa buhay mo.
GEMINI
Possible bumalik ang memories o feelings para sa isang taong na akala mo nakalimutan mo na, at may chance ring muling magparamdam ang dati mong crush. Mapapaisip ka rin kung kailangan mo nang baguhin ang daily routine, work habits, at priorities mo para magkaroon ng maayos na balance sa buhay.
CANCER
May possibility na may old crush, friend, o dating connection na muling papasok or babalik sa buhay mo. Mapapansin mo rin kung bakit parang pare-parehong klaseng tao ang lumalapit sa possible relationship mo. May realizations ka tungkol sa childhood experiences, family issues, at kung sino ang talagang nagbibigay sayo ng emotional security.
LEO
Mapapaisip ka kung aligned pa ba ang career path mo sa future na gusto mo, pati na rin kung healthy ang professional relationships mo (friends, coworker etc.). Possible may old family issues o emotional pain na muli mong maalala that will trigger you. May chance rin na magkaroon ng unexpected communication mula sa isang taong may unfinished conversation sayo.
VIRGO
Posibleng may dating connection na muling magpaparamdam o may old conversation na ngayon mo lang maiintindihan. Magiging malinaw rin ang standards mo sa love, commitment, at future relationships. Maaari ka ring maging mas practical sa finances at tumigil sa pagbibigay ng effort sa mga taong walang naibabalik sayo.
LIBRA
Magiging importante sayo ang trust, commitment, at equal effort sa relationships. Magkakaroon ka ng realizations tungkol sa spending habits, confidence, at kung gaano mo pinapahalagahan ang sarili mo. Maaari ring magbago ang appearance, personal standards, at pananaw mo sa klase ng love na deserve mo.
SCORPIO
May mga realizations kang makukuha tungkol sa current relationship mo at sa mga bagay na kailangan mong tanggapin, ayusin, o bitawan. Posibleng magbago ang standards mo at kung pano mo nakikita ang sarili mo. May mga old feelings o past connections din na maaaring bumalik sa isip mo kahit akala mong matagal ka nang nakamove on.
SAGITTARIUS
Posibleng may mga feelings o memories na matagal mong tinatago na muling magparamdam. Mapapaisip ka rin kung balanced pa ba ang work, love life, at personal responsibilities mo. Magiging malinaw din kung sino ang genuine friends mo at kung sino ang hindi na bagay sa future na gusto mong buuin.
CAPRICORN
Posibleng may ex na muling magparamdam o mag relapse ka ng malala dito. Makikilala mo kung sino ang genuine sa circle mo at sino ang nandyan lang kapag convenient. Sa career naman, mapapaisip ka kung ang success na hinahabol mo ay talagang nagbibigay sayo ng happiness.
AQUARIUS
Mapapaisip ka kung nasa tamang career path ka pa ba at kung aligned ang mga ginagawa mo sa personal goals mo. Posibleng magkaroon din ng pagbabago sa plans mo tungkol sa education, travel, o future opportunities. Mas magiging importante rin sayo ang emotional security at kung saan at kanino mo nararamdaman ang tunay na comfort.
PISCES
Posibleng magkaroon ng unexpected conversation o reconnection sa isang taong may unfinished business sayo. May mga realizations ka rin tungkol sa taong minahal mo o sa future na matagal mong iniimagine. Mas magiging malinaw ang concerns mo tungkol sa trust, jealousy, emotional attachment, at kung ano talaga ang gusto mo sa isang relationship.