16/09/2026
Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Sapat, Para sa Lahat!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakiisa ang Las Piñas City Health Office sa Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Sapat, Para sa Lahat.
Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) at PhilHealth, patuloy nating inilalapit sa mga Las Piñero ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan, dahil ang kalusugan ay karapatan ng bawat isa at dapat abot-kamay ng lahat. 💙
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, patuloy nating isinusulong ang mas accessible, responsive, at people-centered na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilya sa Las Piñas.
Serbisyong sama-sama, para sa bawat Las Piñero! 🇵🇭💙