07/09/2026
💙 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐏𝐓 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 💙
𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐇𝐘𝐒𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐓𝐇𝐄𝐑𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓 🦵✨
Ngayong World PT Day 2026, buong pusong kinikilala at ipinagdiriwang ang mahalagang ambag ng ating mga Physical Therapists sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng kalusugan at kalidad ng buhay ng ating mga pasyente.
Sa bawat rehabilitasyon, bawat pagsubok, at bawat maliit na hakbang tungo sa paggaling, kaakibat ang inyong kahusayan, dedikasyon, tiyaga, at malasakit.
Kayo ay hindi lamang tumutulong sa pagbabalik ng lakas at galaw, kayo ay nagbibigay ng pag-asa, kumpiyansa, at panibagong pagkakataon upang makabalik sa makabuluhang pamumuhay.
Sa lahat ng Physical Therapists ng LPGHSTC at sa buong mundo, saludo kami sa inyong walang sawang paglilingkod at dedikasyon sa bawat pasyenteng inyong ginagabayan. 🫶💙
Mabuhay ang ating mga Physical Therapist!
Happy World PT Day 2026! 🎉
LPGHSTC | Serbisyong may Husay, Malasakit, at Puso.