30/06/2026
Ang Ischaemic Heart Disease or "Bara sa Puso" ang nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.
Ayon sa provisional data ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa 2025, 122,339 Pilipino ang namatay dahil sa ischaemic heart disease, na katumbas ng 19.7% ng lahat ng naitalang pagkamatay—halos 1 sa bawat 5 pagkamatay sa bansa.
Ito ay paalala na hindi dapat balewalain ang kalusugan ng puso. Ang regular na pagpapasuri, maagang pagtuklas ng sakit, at tamang pagkontrol sa high blood, diabetes, mataas na cholesterol, paninigarilyo, at iba pang risk factors ay mahalaga upang maiwasan ang atake sa puso.
Alagaan ang iyong puso. Ang maagang pag-iwas at tamang paggamot ay makapagliligtas ng buhay. ❤️