27/07/2026
NORMAL ANG UNANG OGTT… PERO KAILAN KAILANGAN ULITIN?
May tanong ang isang mommy:
"Pwede po bang ulitin ang OGTT kahit normal ang unang result?"
✅ Oo, pwede itong ulitin sa mga piling sitwasyon.
Kahit normal ang unang Oral Glucose Tolerance Test (OGTT), may mga pagkakataon na maaaring mag-develop pa rin ng Gestational Diabetes Mellitus (GDM) habang lumalaki ang pagbubuntis.
Maaaring irekomenda ng inyong OB na ulitin ang test kung:
🔹 May sintomas ng mataas na blood sugar (matinding pagkauhaw, madalas na pag-ihi, atbp.)
🔹 Lumalaki nang higit sa inaasahan ang baby (suspected macrosomia)
🔹 May polyhydramnios o sobrang dami ng panubigan
🔹 May iba pang clinical findings na nagpapataas ng suspicion para sa GDM
Kaya kung may bagong findings sa ultrasound o may sintomas na lumalabas, huwag magulat kung irekomenda ng inyong OB na ulitin ang OGTT kahit normal ang naunang resulta.