07/06/2026
Hindi gaanong importante kung anong pagkain ang kinakain mo pagdating sa fat loss. Ang pinaka-importante talaga is nasa calorie deficit ka. Ibig sabihin, mas mababa ang calories na kinakain mo kaysa sa calories na ginagamit ng katawan mo araw-araw.
For example, kung ang maintenance calories mo ay 2,500 calories per day at kumain ka lang ng 2,000 calories, may 500-calorie deficit ka. Kahit pa may burger, pizza, o milk tea sa diet mo, posible ka pa ring mag-lose ng weight basta pasok ka sa calorie deficit.
Pero dito papasok yung quality ng pagkain.
Halimbawa, pareho kayong nasa 2,000 calories:
Person A
* Fried chicken
* Softdrinks
* Chips
* Fast food halos buong araw
Person B
* Chicken breast
* Fish
* Eggs
* Rice
* Gulay
* Fruits
Pareho silang pwedeng pumayat dahil pareho silang nasa calorie deficit. Pero si Person B mas likely na:
1. Mas busog buong araw
2. Mas maraming energy
3. Mas madaling mag-recover sa workouts
4. Mas kaunting cravings
5. Mas ma-preserve ang muscle habang nagbabawas ng taba
Kaya ang goal natin hindi lang basta pumayat. Ang goal natin is mawalan ng taba habang pinoprotektahan ang muscle mass para mas maganda ang itsura ng katawan after the cut.
Kaya kung gusto mo ng pinakamagandang progress, focus ka sa:
1. Lean protein (chicken, fish, eggs, lean beef)
2. Rice, potatoes, oats para sa energy
3. Gulay at prutas para sa vitamins at fiber
4. Sapat na tubig
5. Consistent calorie deficit
Think of it this way, pwede kang pumayat habang kumakain ng kahit anong pagkain, pero mas magiging madali, mas healthy, at mas maganda ang resulta kung mas maayos ang food choices mo.🔥