05/09/2026
🎉 MAGANDANG BALITA! 🎉
Ang Cunanan-Arazas Optical Clinic ay isa nang PHILHEALTH-ACCREDITED FACILITY para sa PhilHealth Optometric Benefit Package for CHILDREN 0 - 15 Years Old. Batay sa PHILHEALTH CIRCULAR NO. 2025 - 0002.
Kung ikaw ay kwalipikadong PhilHealth member, maaari ka nang makakuha ng LIBRENG Eye Check-Up at Eyeglasses para sa mga batang edad 0–15 taong gulang, alinsunod sa mga patakaran at kwalipikasyon ng PhilHealth.
MGA KAILANGAN:
✅ Referral Form mula sa inyong RHU o sa paaralan
✅ Kopya ng PhilHealth ID ng Magulang
✅ Kopya ng PhilHealth Member Data Record (MDR) na nakasaad ang pangalan ng bata
✅ Kopya ng Sertipiko ng Kapanganakan ng Bata (Birth Certificate)
✅ Kopya ng School ID ng bata (kung mayroon)
PAANO MAG-AVAIL?
1. Pumunta sa inyong RHU ( Rural Health Unit ) o paaralan upang magpa-screening o paunang pagsusuri sa mata.
2. Kumuha ng referral form o kumpirmasyon ng pagiging kwalipikado para sa programa.
3. Magtungo sa Cunanan–Arazas Optical Clinic at dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento.
4. Sagutan ang iba pang PHILHEALTH forms na mag mumula sa aming clinic.
5. Makakuha ng LIBRENG pagsusuri sa mata (eye check-up) at salamin sa mata (eyeglasses) kung ikaw ay kwalipikado sa programa.
📩 Mag-message lamang sa aming page o tumawag sa aming clinic para sa inyong mga katanungan, requirements, at appointment.
✨ Mas malinaw na paningin, mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat bata.
Cunanan - Arazas Optical Clinic Your Vision is Our Passion.