Municipal Health Office - Limay

Municipal Health Office - Limay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Health Office - Limay, Medical and health, PAGCOR BLDG, TOWNSITE, Limay.

02/06/2026

TINGNAN: Ngayong ika-2 Hunyo 2026 ay isinagawa ang MELLPI Monitoring Evaluation para sa Nutrition Program para sa taong 2025. Ito ay isinagawa ng Provincial Health Office kasama ang Provincial Nutrition Committee members.
1Limay

31/05/2026

🚭 WORLD NO TO***CO DAY 2026 🚭

Bilang pagdiriwang ng World No To***co Day 2026, nakiisa ang Limay Municipal Health Office at ang mga kawani ng bawat barangay sa pagsasagawa ng iba't ibang aktibidad upang palaganapin ang kamalayan tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo at va**ng.

Nagbahagi ang ating mga Rural Health Physicians ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga panganib na dulot ng sigarilyo at v**e sa kalusugan. Nagsagawa rin ng health lectures at isang makabuluhang Cigarette Breaking Ceremony bilang simbolo ng pagtanggi sa paninigarilyo at pagpili ng mas malusog na pamumuhay.

09/05/2026

TINGNAN: Matagumpay na natapos ang programang LIBRENG TULI 2026 sa pangunguna ng Limay Municipal Health Office sa suporta ng LIMAY LGU na kung saan umabot sa kabuuang 356 kabataang lalaki ang nabigyan ng libreng serbisyo ng pagtutuli sa loob ng apat (4) na araw ng programa noong April 18, 19, May 2 at May 3, 2026.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, kabataan, health workers,at mga katuwang na naging bahagi ng matagumpay na programang ito para sa kalusugan at kalinisan ng ating kabataan.

Patuloy po nating suportahan ang mga programang pangkalusugan ng ating pamahalaang bayan para sa mas ligtas at mas malusog na komunidad.
Maraming salamat po!

Municipal Health Office - Limay
1Limay

Ngayong World Health Workers’ Day, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga health workers na walang sawang nagsi...
07/05/2026

Ngayong World Health Workers’ Day, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga health workers na walang sawang nagsisilbi para sa kalusugan at kaligtasan ng bawat isa. Sa kabila ng pagod, puyat, at mga sakripisyong inyong pinagdaraanan araw-araw, patuloy ninyong pinipiling maglingkod nang may malasakit, dedikasyon, at pagmamahal sa kapwa.

Kayo ang mga tunay na bayani sa likod ng bawat paggaling, pag-asa, at panibagong pagkakataon sa buhay ng maraming tao. Hindi sapat ang simpleng ‘salamat’ para masuklian ang inyong kabutihan at katatagan, ngunit nais naming ipaabot na kayo ay labis naming pinahahalagahan at hinahangaan.

Sa bawat doctor, nurse, midwife, medical technologist, pharmacist, caregiver, utility staff, at lahat ng bumubuo sa sektor ng kalusugan—maraming salamat sa inyong sakripisyo at serbisyo.

Happy World Health Workers’ Day! Mabuhay kayo, mga bayani ng kalusugan!

🎗️ CERVICAL CANCER AWARENESS MONTH 🎗️“Babae, Mahalaga Ka!”Alam mo ba? Ang cervical cancer ay isa sa mga pinakakaraniwang...
07/05/2026

🎗️ CERVICAL CANCER AWARENESS MONTH 🎗️
“Babae, Mahalaga Ka!”

Alam mo ba? Ang cervical cancer ay isa sa mga pinakakaraniwang uri ng cancer sa kababaihan, ngunit ito ay maaaring maiwasan at maagapan kung maaga itong matutuklasan.

🔍 Ano ang Cervical Cancer?
Ito ay cancer na nabubuo sa cervix (kwelyo ng matres) na kadalasang dulot ng Human Papillomavirus (HPV).

⚠️ Mga Sintomas na Dapat Bantayan:
• Pagdurugo kahit wala sa schedule ng regla
• Pananakit ng puson o ibabang bahagi ng tiyan
• Kakaibang discharge (may amoy o kakaibang kulay)
• Sakit tuwing nakikipagtalik

💡 Paano Ito Maiiwasan?
✔️ Magpabakuna laban sa HPV (para sa mga batang babae edad 9–14)
✔️ Magpa-screening (Pap smear) sa inyong health center
✔️ Panatilihin ang malusog na pamumuhay

🚨 LIBRENG PAP SMEAR—MAGPA-SCREEN NA! 🚨

💖 Hatid ng Limay Municipal Health Office, katuwang ang San Miguel Limay Power, ang libreng cervical cancer screening (Pap smear)—serbisyong may malasakit para sa kalusugan ng bawat kababaihan.

📍 Para sa karagdagang impormasyon at screening, bumisita sa Limay Municipal Health Office o sa pinakamalapit na RHU.

🏥 Magpatingin. Magpa-screen. Mag-ingat.
Ang maagang pagtuklas ay nakapagliligtas ng buhay.





INTERNATIONAL MIDWIVES DAY | Ngayong araw na ito, taos-pusong pasasalamat para sa ating mga komadrona.Salamat sa inyong ...
04/05/2026

INTERNATIONAL MIDWIVES DAY | Ngayong araw na ito, taos-pusong pasasalamat para sa ating mga komadrona.

Salamat sa inyong dedikasyon, sakripisyo at malasakit sa pagpapaunlad ng kalusugan ng ating komunidad!

Maraming salamat mga magigiting na KOMADRONA!

HEALTH ADVISORY 🚨Mag-ingat sa polusyon ng hangin na dulot ng usok mula sa sunog sa basurahan!Ang maruming hangin ay maaa...
25/04/2026

HEALTH ADVISORY 🚨

Mag-ingat sa polusyon ng hangin na dulot ng usok mula sa sunog sa basurahan!

Ang maruming hangin ay maaaring magdulot ng:
• Hirap sa paghinga
• Ubo at sakit ng lalamunan
• Iritasyon sa mata at ilong

Mag-ingat lalo ang: bata, matatanda, buntis, at may sakit sa baga/puso

Proteksyon:
• Manatili sa loob ng bahay
• Magsuot ng face mask kung lalabas
• Uminom ng maraming tubig

🏥 Magpatingin kung may sintomas.

📢 Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan at kapaligiran. Para sa isang malinis, ligtas, at malusog na komunidad!

Address

PAGCOR BLDG, TOWNSITE
Limay
2103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Limay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share