11/04/2026
Good day po.
In light of the circulating anonymous post, nais po naming pormal na tugunan ang isyung ito at ipaabot sa lahat na ang lahat ng concerns ay aming tinututukan at inaasikaso nang maayos. Naglaan po kami ng oras upang basahin at suriin ang lahat ng comments at feedback.
Sa mga hindi po lubos na nasiyahan sa aming serbisyo, taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin. Kinikilala po namin ang pangangailangan na patuloy na mag-improve, at sinisiguro po namin na ginagawa namin ang mga kinakailangang hakbang upang mapahusay pa ang kalidad ng aming serbisyo at pangangalaga.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga nagbigay ng suporta at nagbahagi ng kanilang positibong karanasan sa aming clinic. Malaking bagay po ito sa amin.
Sa kasalukuyan, kami po ay nakikipag-coordinate sa Cybercrime Division upang masigurado na nasusunod ang tamang proseso sa pag-address ng isyung ito.
Nananatili po kaming committed sa transparency, accountability at higit sa lahat, sa kaligtasan at kapakanan ng aming mga pasyente.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at pag-unawa.