31/08/2026
β οΈ PAALALA SA MGA MAGULANG: HUWAG HAYAANG MANGISDA ANG MGA BATA SA BAHA
Nakikita natin ngayon ang ilang bata at matatanda na nanghuhuli ng isda sa mga binahang kanal, sapa, floodways, at iba pang lugar na dinaanan ng bahaβmaaaring para kainin o ibenta.
Nauunawaan natin na maaaring sayang ang mahuling isda, lalo na sa panahong mahirap ang sitwasyon. Ngunit hindi natin alam kung saan nanggaling at ano ang nahalo sa tubig-baha.
π ANG TUBIG-BAHA AY MAAARING MAY HALONG:
β’ Dumi mula sa imburnal at septic tanks
β’ Ihi at dumi ng tao at hayop
β’ Basura at nabubulok na materyales
β’ Langis, gasolina, at iba pang kemikal
β’ Pesticides at agricultural runoff
β’ Bacteria at iba pang mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit
π LIGTAS BA KAININ ANG ISDANG NAHULI SA BAHA?
Hindi natin masisiguro.
Ang maayos na pagluluto ay maaaring makapatay ng maraming bacteria at parasites, ngunit hindi nito kayang alisin ang lahat ng posibleng chemical contaminants na maaaring napunta o naipon sa isda.
Dahil dito, hindi namin inirerekomenda ang pagkain o pagbebenta ng isdang nahuli mula sa maruming floodwater, drainage canals, flooded streets, o iba pang kontaminadong daluyan ng baha.
π§π»π¦π» MAS NAKAKABAHALA: ANG KALIGTASAN NG MGA BATA
Please, parents and guardians, do not allow children, toddlers, or minors to play, swim, wade, or catch fish in floodwaters.
Bukod sa kontaminadong tubig, maaari silang malagay sa panganib dahil sa:
β οΈ Biglaang malalim o malakas na agos
β οΈ Bukas na kanal at manholes na hindi nakikita
β οΈ Bubog, yero, pako at matutulis na bagay sa ilalim ng tubig
β οΈ Electrical hazards
β οΈ Leptospirosis at iba pang infections
β οΈ Pagkalunod
Walang huling isda ang mas mahalaga kaysa sa buhay at kalusugan ng isang bata.
Kung hindi natin alam kung saan nanggaling ang tubig-baha, huwag nating ipagsapalaran ang kalusugan sa anumang nahuli mula rito.
π Please keep our children away from floodwaters.
Stay dry. Stay safe. Protect our children.
- Little Miracle Medical and Diagnostic Center