Dra. Melody A. Peña

Dra. Melody A. Peña Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dra. Melody A. Peña, Nephrologist, Lucena City, Lucena.

Dr. Peña specializes in Internal Medicine- Hypertension and kidney diseases such as acute and chronic kidney disease, glomerulonephritis, Dialysis and kidney transplantation

13/04/2026
Maraming Salamat po sa lahat ng nagsupport sa aming Fun Run! Drs Cariza Buenafe dr Alfredo L. Batario dra Maribel Nosce,...
14/03/2026

Maraming Salamat po sa lahat ng nagsupport sa aming Fun Run! Drs Cariza Buenafe dr Alfredo L. Batario dra Maribel Nosce, pharma friends, hospital nurses/ staff, at madlang people! Thank you po🩷

Run4Renal Fun Run is just one of our activities to promote kidney health awareness in celebration of World Kidney Day 2026. 🏃‍♂️💚

Regular exercise is one of the 8 Golden Rules to keep your kidneys healthy and help prevent kidney disease.

So let’s stay active, move more, and take care of our kidneys. Kaya Run4Renal! 🏃‍♀️✨

26/02/2026

📢 CLINIC ADVISORY

Please be informed that
🚫 There will be NO CLINIC until Friday

📅 Clinic will resumes on:

🏥 Polyclinic – March 1, 2026
Pls contact 09562617277

🏥 Mt. Carmel – March 4, 2026
Pls contact 09287222236

Thank you for your understanding.
For urgent concerns, please proceed to the nearest emergency room.

🏃‍♀️💜 WKD Run for Renal – Fun Run 2026 💜🏃‍♂️In celebration of World Kidney Day on March 12, we are inviting everyone to ...
16/02/2026

🏃‍♀️💜 WKD Run for Renal – Fun Run 2026 💜🏃‍♂️

In celebration of World Kidney Day on March 12, we are inviting everyone to join our WKD Run for Renal Fun Run!

This meaningful event aims to raise awareness about kidney health in line with the 2026 World Kidney Day theme — reminding everyone that early detection, prevention, and a healthy lifestyle can save lives.

Let’s run together for a cause.
Let’s move for our kidneys.
Let’s spread awareness and make kidney health a priority for all.

Mark your calendars and be part of this purposeful stride toward better kidney care! 💙

🎄✨ Merry Christmas & Happy New Year! ✨🎄Warm holiday greetings to all my patients and their families. May this season bri...
22/12/2025

🎄✨ Merry Christmas & Happy New Year! ✨🎄

Warm holiday greetings to all my patients and their families. May this season bring you peace, good health, and hope as we welcome the coming year. 💙

Please be guided by my Holiday Clinic Schedule:

03/11/2025

Nakikita mo lang ito lagi sa pakete o bote ng herbal medicine at maaaring di mo pinapansin.

Ngayon, malalaman mo na kung bakit lagi itong nasa packaging ng mga herbal remedy!

Tatalakayin natin yan sa darating na episode ng PSN Kidney TikTalks na pinamagatang NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS, kasama ang ating mga eksperto na sina Dr. Nickson Austria at Dr. Kathleen Joy Garingarao.

Kitakits sa November 5, 2025, 10AM dito sa Philippine Society of Nephrology page para sa FB Live!

Register in advance na!

Registration link:
https://us02web.zoom.us/webinar/register/WN_i9DsoeJXR0qWI4K9EpqwQw

Webinar ID: 851 5231 6695
Passcode: 085710

Ingat po tayo sa leptospirosis! Wag balewalain dahil magastos magkasakit. 🩷
24/07/2025

Ingat po tayo sa leptospirosis! Wag balewalain dahil magastos magkasakit. 🩷

23/07/2025

Dear patients,

Wala po tayong clinic today sa Polyclinic. sa Monday na po. Stay safe!

For appointment: pls contact Dear 09562617277

Sa totoo lang, ipit ang mga private hospitals dahil buo nilang binibigay ang serbisyo sa mga pasyente. Madaming gastos s...
08/07/2025

Sa totoo lang, ipit ang mga private hospitals dahil buo nilang binibigay ang serbisyo sa mga pasyente. Madaming gastos sa gamit, gamot at pasweldo sa mga empleyado, pero pahirapan sa pagsingil sa mga ahensyang nag iissue guarantee letter. Nasaan kaya ang pondo? 🤔🧐🤨

“BAKIT HINDI NA TINATANGGAP ANG GUARANTEE LETTER KO?"

May isang nanay sa Batangas na nagpunta sa ospital kasama ang anak niyang may lagnat, hirap huminga.

Wala silang pambayad, pero may dala silang government-issued guarantee letter—pangakong sagot ng gobyerno sa gastos.

Pero hindi tinanggap.

“Hindi na po kami tumatanggap niyan,” sabi ng admin.

Dahil ang gobyerno, kahit may pangako—hindi pa nagbabayad.

🔴 ANONG NANGYARI?

Noong July 6, 2025, 39 private hospitals sa Batangas ang sabay-sabay nagsabing hindi muna sila tatanggap ng guarantee letters (GLs) galing gobyerno.

Ang dahilan?

₱530 million na utang ng gobyerno sa mga ospital—hindi pa bayad kahit matagal na ang serbisyo.

May isang ospital daw na halos ₱94 million ang hindi pa nakukuha.

Yung iba, ang utang galing pa last year. Ayon sa kasunduan, dapat bayad na ’yan in 60 days.

Pero ilang buwan na, wala pa ring pera.

🏛️ BAKIT NAKIUSAP ANG MALACAÑANG?

Kinabukasan, naglabas ng statement ang Malacañang.

Sabi ng Palace press officer na si Claire Castro:

“Hindi po tayo kapos sa pondo.”

Ang problema raw ay hindi pera kundi kulang-kulang ang dokumento ng ilang ospital.

Sabi pa niya:

“Complete your documents para mabayaran kayo agad.”

Totoo naman—may ₱41.16 billion na budget ang DOH para sa medical aid ngayong 2025.

Pero kahit may pera sa papel, kung hindi umaabot sa ospital—useless ’yan para sa pasyenteng may sakit.

⚠️ MAS MALALIM NA PROBLEMA

1. ✉️ PULITIKAL ANG SISTEMA

Hindi ito tulad ng PhilHealth na automatic ang coverage.

Sa MAIFIP (Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients), kailangan ng guarantee letter—madalas galing sa pulitiko.

Pero ngayong tapos na ang eleksyon…
Paano na ’yung mga pasyenteng inendorso ng mga natalong kandidato?

Sabi ng PHAPI (Private Hospitals Association),
₱7 billion ang unpaid bills nationwide na konektado sa mga ganitong kaso.

2. 🗳️ ELEKSYON = SIKSIKAN SA DOKUMENTO

Sabay-sabay daw dumagsa ang GLs bago at pagkatapos ng eleksyon.

Pero ang mga taga-process sa DOH, kukunti lang.

Kaya’t naipon ang libo-libong request—hindi agad natutugunan.

Kahit nga may mga ospital na nakatanggap na ng ₱577 million, meron pa rin silang ₱450 million na hindi pa nababayaran.

🧍‍♂️ KAWAWA ANG PASYENTE

Ang tanong:

Bakit kailangang maghintay ng resibo ang ospital, kung ang naghihintay ay taong hindi makakain, hindi makabayad, at hindi makalakad?

Hindi ito simpleng “admin issue.”

Buhay ang nakataya.

At masakit isipin: kung sinuerte ka at panalo ’yung pulitikong nag-endorse sa ’yo, malamang okay ka.

Pero kung talunan ’yung nagbigay ng guarantee letter mo… good luck.

🏛️ GINAWA NA BA NG GOBYERNO ANG DAPAT?

Ayon sa DOH, pinapa-bilisan na raw ang proseso.

Si Sec. Ted Herbosa mismo ang nag-utos.
May mga mambabatas na rin na gustong imbestigahan ang mga ospital kung bakit bigla na lang tumigil sa pagtanggap ng GLs.

Pero sa totoo lang, hindi lang ito problema ng papel.

Ito ay tanong ng prioridad.

Bakit lumobo ang budget ng MAIFIP mula ₱1.8 billion noong 2015 to ₱74 billion ngayong taon—pero bumaba ang pondo ng PhilHealth para sa mahihirap?

Hindi ba mas maayos kung automatic ang tulong, hindi pa kailangang dumaan sa congressman o mayor?

✅ MAY NAGBAGO NA BA?

As of today, wala pa ring malinaw na solusyon.
May mga ospital na tatanggap pa rin ng GLs—pero case-to-case basis.

At kahit may assurance mula sa gobyerno, ang takot ng mga ospital ay kung kailan talaga sila babayaran.

🤔 MORNING COFFEE THOUGHTS

Hindi ito tungkol sa red tape lang.

Hindi lang ito tunggalian ng ospital at gobyerno.

Ito ay kwento ng pasyenteng walang choice, na umaasa sa papel na nagsasabing “sasagutin ka ng gobyerno.”

Pero kung walang pondo, walang proseso, o walang pulitikong may kapangyarihan—
sino ang sasagot sa pasyente?

At kung ang gobyerno mismo ang may utang,
sino ang dapat managot?

Address

Lucena City
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 10am - 4pm
Tuesday 10am - 4pm
Wednesday 10am - 4pm
Thursday 10am - 4pm
Friday 10am - 4pm

Telephone

+639287222236

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dra. Melody A. Peña posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dra. Melody A. Peña:

Share

Category