11/09/2026
HINDI KAILANGANG SARILIHIN ANG BIGAT PARA MASABING MATATAG 🧡
Mas mataas ang bilang ng su***de deaths sa mga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa Pilipinas. Sa likod nito ay isang mahalagang paalala na kailangan ding mabigyan ng espasyo ang mga lalaki upang magsabi kapag sila ay napapagod, nahihirapan, o hindi na okay.
Hindi kahinaan ang pag-amin na mabigat na. Hindi rin nababawasan ang tapang ng isang lalaki kapag siya ay umiiyak, nagkukuwento ng kanyang nararamdaman, o humihingi ng tulong.
Ngayong Su***de Prevention Awareness Month, kaisa ang QPHN–Quezon Medical Center sa pagbubukas ng mas ligtas na usapan tungkol sa mental health. Maging ang mga nakasanayang maging sandigan ng iba ay kailangan din ng masasandalan.