16/06/2022
USAPANG PANG KALUSUGAN....
ANG MGA KAALAMAN TUNGKOL
SA SAKIT SA MATA NA TINATAWAG
NA GLAUCOMA....
Glaucoma ang terminong ginagamit sa isang grupo ng mga sakit sa mata na nagreresulta sa pagkawala ng paningin.
Permanente nitong sinisira ang optic nerve, ang nagpapadala ng larawang imahe sa utak.
Ito ang pangunahing sanhi ng pagkawala ng central vision at lubusang pagkabulag.
Karaniwang walang nararamdamang sintomas hanggaโt huli na ang lahat at malala na ang sakit.
Habang ang lahat ng tao ay pwedeng magkaroon ng glaucoma, may ilang nasa mas mataas na panganib at kailangang magpasuri ng mas madalas sa doktor sa mata. Sila ay ang mga sumusunod:
โEdad na higit sa 45 taon
โMay kasaysayan ng glaucoma sa pamilya
โMay lahing Asyano o Aprikano
โMay diabetes
โNagkaroon na ng mataas na intraocular pressure
โNagkaroon na ng pinasala sa mata
โMay nearsightedness (myopia)
โMay farsightedness (hyperopia)
โGumagamit ng cortisone (steroid), sa mata man o systemically (iniinom o iniineksyon)
โNaninigarilyo
โMay sleep apnea
MGA KARANIWANG SANHI
=Ang pagtaas sa presyon sa loob ng mata (intraocular pressure) ay karaniwan, ngunit hindi palaging kaugnay sa pagpapalala ng glaucoma. Kapag nag-simula ang pagkasira ng optic nerve fibers, magsisimula din ang pagkawala ng paningin sa gilid ng mata (peripheral vision). Karaniwang nakakaapekto ito sa parehong mata, ngunit ang isang mata ay maaaring maging mas malubhang apektado.
Sa ilang mga kaso, maaaring magkaroon pa rin ng glaucoma kahit na normal naman ang presyon ng mata. Ang uri na ito ay pinaniniwalang sanhi ng di magandang daloy ng dugo sa optic nerve.
Ang pagkakasira din ng isang mata lamang ay nangyayari kapag ang glaucoma ay galing sa isang paunang pinsala, pamamaga, o sa paggamit ng steroid sa matang apektado...
URI NG GLAUCOMA
โOpen-angle glaucoma
Nagbabara ang drainage system ng mata at ito ay nagdadala ng problema sa paningin.
โPrimary chronic open-angle glaucoma (COAG) โ Hindi maayos na nata