06/10/2021
Good day my dear patients.. Para po sa inyong kaalaman, may gumawa po ng account sa ngalan po ng clinic page namin. Hindi ko po ginawa ang account na ito at kung ano mang transaksyon o komunikasyon ang mayroon kayo sa account na ito ay hindi po ako ang may gawa. Ang paggamit sa aking pangngalan at personal na larawan ay nai-report na po sa mga kinauukulan. Ang official page po namin ay ginawa para sa layunin lamang ng scheduling of appointments at wala na pong iba. Wala pong solicitations na ginagawa dito. Ito lang po ang official page namin. Salamat po. Ingat po tayo lagi.