06/05/2026
“May Isang Tao”🔥🔥🔥
May isang tao.
Sa harap ng marami, siya yung “malakas”.
Siya yung tinatawagan pag may bagyo.
Siya yung sinasandalan pag wasak na ang lahat. Siya yung laging may verse. Laging may payo. Laging may ngiti kahit gabi na. Kaya ang akala ng lahat, hindi siya napapagod.
Ang akala ng lahat, hindi siya nasasaktan.
Ang akala ng lahat, hindi siya pwedeng magkamali. Kasi nga lagi siyang nakamaskara.
Ang Maskara ng “bayani”. Ang Maskara ng “hindi matitinag”.
Pero hindi alam ng tao…
Pag-uwi niya, tinatanggal niya yung maskara.
At dun, umiiyak siya. Dun, nanginginig yung tuhod niya sa pagod. Dun yong panahong bumubulong siya sa Dios at nagtatanong:
“Hanggang kailan, Lord? Kaya ko pa ba? Pagod na ako.”
May isang tao.
Binigyan siya ni Lord ng tawag. Binigyan siya ng lakas para buhatin ang iba. Ngunit ang lakas na ‘yun… pahiram lang pala. At minsan, nauubos din siya. Nauupos. Natutuyo. Hindi alam ng tao na may mga gabi siyang tulala sa kisame. Hindi alam ng tao na may mga sugat siyang walang nakakakita. Hindi alam ng tao na yung “sandalan ng lahat”… may Sinadandalan din pala gabi-gabi. Dahil ang totoo, kapatid…
Lahat ng bayani sa Biblia, ganyan din.
Andyan si David, Natali man Niya SI Goliath at sinabi ng ibang klase ang pagkapanalo na iyong ngunit tumakbo rin sa yungib at sumulat: “Nanghihina na ako sa pagdaing.”
Nariyan din si Elias na katatapos lang magpababa ng apoy… pero kinabukasan nagmakaawa sa Panginoon. “Tama na, Lord. Kunin mo na ako.”😭
Maging ang Panginoong Jesus nga… sa Getsemani, nanlumo Siya. Umiyak Siya. Nanalangin Siya nang may luha.🥺
Kaya ‘tong isang tao na ‘to…Tao lang din. Hindi Diyos. At isang araw nga, natibag siya. Nagkamali siya. Nagkamali siya ng sang beses. At alam mo sinabi ng mga tao?
“Akala ko ba malakas ka?” “Nadadapa ka rin pala.” “Hindi ka na dapat pagkatiwalaan.”
Ang bigat bigat non? Ang sakit sakit non.
Kasi ang akala nila, siya yung pundasyon. Hindi nila alam, may Pundasyon din siyang sinasandalan. At nung natibag siya, walang ibang sumalo sa kanya. Wala ni isang tao. Ang Dios lang. Dun niya napagtantong hindi niya kailangang magpanggap habambuhay.
Sabi ni Lord sa 2 Corinto 12:9🙏🏻♥️🌹
"Sapat na ang biyaya Ko sa’yo. Ang lakas Ko, mas nakikita pag inaamin mong mahina ka.”
Kaya isang araw, hinarap nung tao yung mga nakasandal sa kanya at don inalis niya yung suot niyang maskara at sinabing, “Kapatid, mahal kita. Pero hindi ako si Superman. Hindi ako ang Tagapagligtas mo. Ang Dios ‘yun. Tao lang din ako. Napapagod. Nagkakamali. At lalong higit, nasasaktan. Pero may Diyos ako na hindi napapagod. Hindi nagkakamali. Hindi ako iniiwan.”🥺🥺🥺
At alam mo ginawa ni Lord?
Hindi Niya binawi yung tawag nung tao.
Nirestore Niya lang ito. Niyakap Niya nang mahigpit at pinabangon Niya. Kasi ang tawag ng Diyos, hindi nakabase sa “performance” nung tao. Nakabase sa dugo ni Cristo.
Kapatid…
Baka kilala mo yung "isang tao” na ‘yun.
Baka ikaw ‘yun. Baka ako ‘yun. Baka pagod na rin siyang magmaskara. Baka akala niya kailangan niyang maging “bayani” para mahalin ni Lord. Hindi, kapatid. Mahal na siya ni Lord. Kahit nasusugatan siya. Kahit napapagod. At kahit nadarapa pa.
Kaya kung ikaw yung “isang tao” na ‘yun...Pwede mo nang alisin yung maskara. Pwede ka nang huminga. Pwede ka nang umiyak sa Dios. Kasi ang tunay na bayani hindi ‘yung hindi nasasaktan. Ang tunay na bayani yung sugatan na, pero ang Dios pa rin ang tinuturo. Kaya para sa “isang tao” na pagod na…
Pahinga ka muna kay Lord.
To God be the Highest Glory. 🫶🏻 🫶🏻🫶🏻
Shalom 😇
🙏🏻♥️🌹
🔥🔥🔥