11/08/2026
PARA SA MGA NAKADAWAT NA EYEGLASSES PALIHOG BASA NI PARA HINDI MAKALIMOT.... SALAMAT
👓 INSTRUCTIONS SA WASTONG PAGGAMIT AT PAG-AALAGA NG SALAMIN
1. Wastong Pagsuot at Pagtanggal
• Gamitin ang parehong kamay sa pagsuot at pagtanggal ng salamin.
• Iwasang isang kamay lamang ang paggamit upang hindi ma-deform o ma-loose ang frame.
2. Para sa DOBLE-BISTA (Bifocal/Progressive Lens)
• Ang itaas na bahagi ng lens ay para sa DISTANCE o malayuan.
• Ang babang bahagi ng lens ay para sa READING o malapitan.
• Kapag naglalakad o tumitingin sa malayo, gamitin ang itaas na bahagi ng lens.
• Kapag nagbabasa o tumitingin sa malapit, gamitin ang babang bahagi ng lens.
3. Huwag Gawing Headband ang Salamin
• Huwag ilagay ang salamin sa ibabaw ng ulo na parang headband.
• Maaari itong maging sanhi ng pagkabaluktot o pagkasira ng frame at pagbabago ng fit ng salamin.
4. Normal na Adjustment Period
• Kung may kaunting panlalabo, pagkahilo, o hindi pagiging komportable sa unang paggamit, maaaring normal lamang ito habang nag-a-adjust ang mata sa bagong grado.
• Karaniwang nangangailangan ng 1–2 linggo ang adjustment period, lalo na sa mga first-time wearers.
💚 PAALALA:
Alagaan ang inyong salamin upang mapanatili itong maayos, komportable, at malinaw gamitin.