05/07/2026
๐๐๐% ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐-๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ; ๐๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐๐๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ฏ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐๐ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐
Muling nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Quezon City matapos tumaas ng 265.22% ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa loob lamang ng tatlong linggo, batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD).
Mula sa 23 kumpirmadong kaso na naitala sa pagitan ng Mayo 21 hanggang Hunyo 10, umabot ito sa 84 cases mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 1, 2026. Dahil dito, umabot na sa 146 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa Quezon City ngayong 2026.
Batay sa surveillance data, District 4 ang may pinakamataas na bilang ng kaso (32.71%), kasunod ang District 1 (22.43%). Kabilang sa mga barangay na may pinakamaraming naitalang kaso ang Doรฑa Imelda (11 kaso), na sinundan ng Culiat, Salvacion, Santa Teresita, Santo Cristo, Sauyo, Socorro, at Tandang Sora, na may tig-apat na kaso.
Pinakamataas ang bilang ng kaso sa mga batang labing-apat (14) na taong gulang pababa o 30% ng kabuuang kaso. Sinundan ito ng mga nasa edad 25โ29 (16%) at mga senior citizen na 60 (16%) taong gulang pataas. Mas marami ring naitalang kaso sa mga kababaihan, na may 66 cases (62%), kumpara sa mga kalalakihan na may 41 cases (38%).
Patuloy ang case monitoring at disease surveillance upang mabantayan ang sitwasyon at agad na matukoy ang mga posibleng clustering o pagdami ng kaso.
Patuloy na hinihikayat ang publiko na sundin ang mga pangunahing hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19:
โ
Takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing gamit ang tissue o siko, at itapon nang maayos ang ginamit na tissue.
โ
Magsuot ng face mask kung may sintomas ng COVID-19 o respiratory infection.
โ
Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based hand sanitizer.
โ
Iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig kung marumi ang mga kamay.
โ
Panatilihin ang ligtas na distansya sa iba kung may nararamdamang sintomas.
โ
Manatili sa bahay kung may sakit upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon.
Pinapayuhan din ang mga magulang na agad na ipasuri sa pinakamalapit na health center ang kanilang anak kung nakararanas ng sintomas ng sakit sa paghinga. Para naman sa mga nakatatanda at may mahinang resistensya, mahalagang magpakonsulta agad sa unang senyales ng sakit upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.
Mag-self-report sa amin. Maaaring tumawag sa mga sumusunod na QCESD Hotline:
8988-4242 loc 1609
8703-2759
09622747107
Para sa iba pang impormasyon, i-like, i-follow, at magmessage sa aming Official Quezon City Epidemiology & Surveillance Division