14/08/2026
Homily Transcription by Fr. Dave Concepcion
⛪️ Feast of Saint Lawrence, Deacon and Martyr
🗓️ August 10, 2026 - 6:00 pm
📖 John 12:24-26
📍 Sto. Nino de Paz Greenbelt Chapel
Link: https://www.youtube.com/watch?v=06jKs2cVyxA
Many times I have said this. If you are growing old and you have something to give to your children, give it now. Kung meron kayong ipapamana, ipamana niyo na. Hindi yung pagpatay na kayo at sila'y mag-aaway-away. And one of our benefactors in the seminary did that. Hinati-hati na niya ang kanyang yaman at pinamana niya sa kanyang mga anak. Several months after, nagkita kami. Nagkita kami sa mall. Sabi niya, "Father, pahamak ka." Sabi ko, "Bakit naman?" "Kasi ginawa ko 'yung sinabi mo." "Anong sinabi ko po?" "Yung ipamana na yung mga ipapamana sa mga anak." "Eh ano ngayon?" Sabi, "Pinamana ko na." "Eh ano po? Ano pong laging kasalanan ko?" "Ngayon, nakademanda ako." "Ano ang ibig sabihin?" "Yung isang anak ko, hindi niya gusto yung pinamana ko sa kanya. Dinidemanda ako." Sabi ko, "Kaya pagka minsan maganda rin 'yung walang pera 'no? Yung pamana ng magulang, diabetes na, hypertension. Sa inyo na lahat. The irony.
Sabi nga, if you give people what they want, you will never satisfy them. But if you give people what they need, hopefully they will be happy. But the sad story, the question: what is enough? When is enough enough? And the answer is enough is to have a little more. The reality of life is that people will not test you of your strength. They will test you of your limits. People will not test you of your strength, not how strong you are, but until when. What is your limit? Kaya nga alam natin itong mga Pilipino, alin? 'Pag nagbigay ka ng palad, asahan mo, kukunin ang siko. 'Pag binigay mo ang siko, kukunin ang braso. 'Pag binigay mo ang braso, kakagatin ang leeg mo. Bakit? Hindi nakokontento ang mga tumatanggap. At 'pag hindi mo sila nabigyan, ano’ng sasabihin? "Ang damot mo."
Ang dami kong messages na ganyan. Sila ang gumastos noong may sakit ang kanilang mga magulang. Namatay ang magulang. Hanggang ngayon sila ang gumagastos sa mga gastusin na ayaw ng kanilang mga kapatid na tumulong. Kaya yung unang pagbasa, maganda lang pakinggan pero mahirap. When? Anong parte ng unang pagbasa? When you give, be a cheerful giver. Madali lang 'yung sabihin. Sapagkat darating ang araw, talagang yung mga nanghihingi sa iyo, feeling nila ikaw yung DSWD.
Sabi nga, "Father, tingnan mo naman ito." Birthday daw ng anak niya. Nanghihingi sa akin ng panghanda. Hindi ko naman anak 'yun. Sabi ko, "Kaano-ano mo ‘yon?" "Pinsan ko." Sabi ko, "Nasa iyo 'yun kung bibigyan mo." Ang mahirap, marami tayong k**ag-anak, kakilala na can't afford. Pero kung gumastos, waldas. "Hanggang kailan, Father?" Ang sagot ko, " 'Di ko alam." Kasi baka naman talagang ikaw lang ang merong pangbigay. O baka naman ikaw ang may pagkak**aling ituro sa iyong kapwa na hindi ka marunong magsabi ng wala na. Sabi nung isa namang nag-message, "Totoo 'yan, Father. Sipsipin man nila ako, dugo na talagang lalabas sa akin." Pagka minsan, katuwaan ko na lang yung magbasa ng messages ng mga buhay nating Pilipino. Hindi natin napapagtugma at napapag-ugnay yung buhay pananampalataya sa buhay pang-araw-araw. Hanggang kailan?
Ano ang sabi sa Ebanghelyo? Those who keep their life will lose it. Those who give their life will gain it. Hanggang kailan? Sabi nga, "Pag wala ka nang pera, nasa langit ka na." Sabi nila ganun. Sabi ng bata, "Nasa langit na pala tayo, Mama. Wala tayong pera, eh." That is the scandal of our faith. That's why it's difficult to follow Christ. If you look at His hands on the cross, hindi niya binigay 'yung kanya sarili hanggang limit lang. He has given it all. Perhaps the reason is about love.
Anong ibig kong sabihin? Kahit wala kang pera at may sakit 'yung mahal mo, bakit kaya mong mangutang na hindi mo alam kung paano babayaran? Naiintindihan ko 'yan. 19 days sa ICU ang tatay namin. Parang metro ng taxi yung bill. At 'pag umabot sa ganoong limit, sisingilin ka na. Every two days, may bill. Sabi ko, "Hanggang kailan ito? Hanggang saan? Gaano kalalim ang bulsa?" Pero 'pag mahal mo, hindi ka nagku-kwenta. Kasi ayaw mo rin naman na pagdating ng araw ikaw ang kinukuwentahan. Ayaw mong magkuwenta dahil alam mong pagdating ng araw ayaw mo rin na ikaw ang kinukuwentuhan. 'Yung nakahiga ka sa hospital at sasabihin sa 'yo ng mga anak, "Nay, hanggang bukas na lang tayo. Wala na tayong pera."
That's why I'm inviting you to look into yourselves and be grateful if you have not reached that limit of need. Na hindi mo kailangang mangpalimos. Dahil nasubukan ka, alam mong hindi ka nasaid. How grateful are we? Nakikita natin yung pagkukulam ng ibang tao, pero hindi natin nakikita yung laki ng ating pagpapala. Kaya palagi kong tanong ito, "Ano bang gusto mo? Ikaw yung nangungutang o ikaw yung nagpapautang?" 'Pag sinagot mong "Ako ang nagpapautang," mag-ingat ka mamaya; may mangungutang. Baka may mangutang. Pero sa totoo lang. 'Yan ang katotohanan ng buhay.
Sometimes we are put into our limits. Either you are the one in need, or you're the one who provides. You ask the question, "Gusto mo bang ikaw ang nangangailangan o ikaw ang nagbibigay? Ikaw ang nangungutang o ikaw ang nagpapautang?" It's a very difficult question. Without faith, I don't think you can go on. And that is the grace we would like to ask from the Lord.
In the very beginning of my priesthood, hindi ko ito makalimutan. Sa unang assignment ko as parish priest, na kung saan ang unang collection ko sa misa ay ano, 18.50. Manila 'yan ha. Tatlong beses kong binilang: 18.50 talaga. Tinitingnan ko ang butas sa dingding ng aking kwarto. Wala akong k**a, wala akong upuan, wala ang lahat. Nakasalampak ako sa sahig at 'di ko napigilan ang aking sarili na tumulo ang luha. Bakit? Pumasok ako engineer. May pera ako. Tinalikuran ko ang karangyaan ng buhay dahil sumunod ako sa Diyos. Tapos 18.50. Sabi ko, "Ni almusal hindi ako kaya nito." This is a confession. Tatlong beses kong binilang. Umiyak ako, nakasalampak. Paggising ko, 18.50 pa rin. Hindi nagbago. Ano lang ang sabi ko sa Diyos? “Lord, hindi ko ito maintindihan. Pero kung ganito talaga, 'di ganito."
Dalawang bagay lang ang aking ire-request. Please don't make me rich that I might forget you, but don't make me poor that I might curse you. That was my prayer. Don't make me rich that I might forget you, but don't make me poor that I might curse you. And God was so faithful. I have been a priest for 28 years. I was not made rich, but I was not poor that I would be able to curse the Lord. Why? God knows our limits. We only need to pray. We only need to pray.
When the authority asked St. Lawrence to give them the riches of the church, what he presented were the poor, the crippled, the sick. Ang yaman ng simbahan ay hindi ang kanyang kaperahan, kundi ang mga mahihirap. Keep this in mind: dalawa lang iyan. Either you are the one in need, or you're the one who provides. And do not forget this: to have enough is already a luxury. But St. Augustine has said this: "The only thing you can keep in this world are the things you have given away." So ask yourself, what have you given for God? And you might pray my prayer, "Lord, please don't make me too rich that I might forget you or make me too poor that I may curse you."