28/07/2026
🚫 POST-EXPOSURE MYTHS vs FACTS 🐾
❌ MYTH: "Maliit lang ang sugat, hindi na kailangan magpabakuna."
✅ FACT: Kahit maliit na kagat o kalmot ay puwedeng magdala ng rabies virus.
❌ MYTH: "Kapag hinugasan ko na ang sugat, okay na."
✅ FACT: Ang paghuhugas ng sugat ay mahalaga, pero kailangan pa rin ng medical evaluation at tamang bakuna.
❌ MYTH: "Hintayin ko munang magkasakit ang a*o o pusa."
✅ FACT: Huwag maghintay. Ang rabies ay maaaring nakamamatay kapag nagpakita na ng sintomas.
❌ MYTH: "May bakuna na ako noon, hindi ko na kailangan magpatingin."
✅ FACT: Maaaring kailanganin mo pa rin ng booster shots depende sa iyong vaccination history at sa uri ng exposure.
💉 The truth: Early treatment saves lives.
🐾 Kapag nakagat o nakalmot ng hayop, hugasan agad ang sugat at magtungo sa LYMG Animal Bite Center.
💙 Don't believe myths—believe medical facts. Protect yourself from rabies.