01/09/2026
๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ: ๐ ๐ข๐ก๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ญ๐
Malabueรฑo, patuloy na binabantayan ng DENR-EMB ang kalidad ng hangin sa ating lungsod at buong National Capital Region (NCR) dahil sa naitalang haze o usok sa paligid. Ang kondisyong ito ay posibleng dulot ng usok mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia na itinutulak ng hangin patungo sa ating bansa.
๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป:
๐น Iwasan muna ang matitinding outdoor activities, lalo na kung kapansin-pansin ang usok o masama ang kalidad ng hangin.
๐น Manatili sa loob ng bahay at tiyaking maayos ang bentilasyon kung ligtas itong gawin.
๐น Kung kinakailangang lumabas, magsuot ng angkop na face mask gaya ng N95 o katumbas nito.
๐น Uminom ng sapat na tubig upang makatulong na maiwasan ang iritasyon ng lalamunan.
๐น Mas pag-ingatin ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa puso, o sa baga o sa paghinga.
๐น Panatilihin ang personal hygiene, kabilang ang regular na paghuhugas ng kamay at pagligo matapos ma-expose sa usok.
๐น Iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon. Sumangguni lamang sa opisyal na updates ng pamahalaan.
๐ฉบ ๐๐๐๐๐๐ก ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก๐๐๐ก?
Kung makararanas ng tuloy-tuloy na pag-ubo, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, pagkahilo, o paglala ng dati nang karamdaman, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na Health Center o Super Health Center.
Isang share mo, dagdag kaalaman para sa iba. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa para sa isang , tungo sa , dahil .