08/10/2025
🩺 Mga Kailangang Ihanda Bago Magpa–Physical Therapy Home Service 🏠
Upang maging ligtas, epektibo, at akma ang iyong therapy program, narito ang mga importanteng dokumento at impormasyon na dapat ihanda:
1. ✅ Doctor’s Referral o Medical Clearance
• Galing sa iyong attending physician, orthopedic, neurologist, o rehab doctor.
• Para malaman ng physical therapist ang diagnosis at limitasyon ng galaw mo.
2. 🧠 Diagnostic Results (kung mayroon)
• MRI / CT Scan – para makita kung may nerve compression, disc problem, o brain lesion.
• X-ray – para malaman ang kondisyon ng buto o alignment ng spine, joints, at limbs.
3. 🧾 Official Medical Findings o Summary
• Mula sa doktor o hospital record para gabay sa pagbuo ng treatment plan.
4. 💉 Laboratory Results
• Halimbawa: blood sugar (para sa diabetic patients), CBC, o iba pang tests na may kinalaman sa kalusugan.
5. 💊 Listahan ng mga Ini-inom na Gamot
• Para maiwasan ang posibleng contraindication o side effects sa mga modalities.
6. 🗂️ Previous Therapy Records (kung meron)
• Notes, progress reports, o exercise program mula sa dating therapist.
7. 🪪 Valid ID at Contact Information
• Para sa verification at scheduling ng home visit.