30/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang Diabetes Awareness Campaign noong Hulyo 29, 2026 sa Divine Word College of San Jose, San Jose, Occidental Mindoro, na pinangunahan ng Provincial Health Office of Occidental Mindoro sa pamumuno ni Dr. Romualdo M. Salazar, Jr., PHO II, sa pakikipagtulungan ng Department of Health โ Center for Health Development MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Rodolfo Antonio M. Albornoz, Provincial DOH Office of Occidental Mindoro sa pamumuno ni Dr. Kevin A. Javier, DMO V, Lokal na Pamahalaan ng San Jose sa pamumuno ni Mayor Rey C. Ladaga, at ng Divine Word College of San Jose sa pangunguna ni Fr. Crispin A. Cordero.
Isinagawa ang gawaing ito bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng diabetes at upang palakasin ang kamalayan ng bawat mamamayan tungkol sa kahalagahan ng pag-iwas, maagang pagtuklas, tamang pamamahala ng diabetes, at pagpapanatili ng isang malusog na pamumuhay. Layunin nitong hikayatin ang bawat isa na gumawa ng mga positibong hakbang upang mabawasan ang panganib ng sakit at mapanatili ang magandang kalusugan.
Naging masigla ang pagsisimula ng programa sa pamamagitan ng isang Zumba session, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng regular na ehersisyo at aktibong pamumuhay bilang mabisang paraan upang makatulong sa pag-iwas at pagkontrol sa diabetes.
Isa sa mga tampok ng programa ang Health Education Lecture on Diabetes na inihatid ni Dr. Andrea Carla M. Adajar, kung saan malinaw niyang ipinaliwanag ang mga sanhi, panganib, sintomas, at komplikasyon ng diabetes. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng regular na pagpapasuri ng blood sugar, tamang pag-inom ng gamot kung kinakailangan, balanseng pagkain, at aktibong pamumuhay upang maiwasan ang mga seryosong komplikasyon ng sakit.
Sinundan ito ng orientation tungkol sa Pinggang Pinoy, kung saan tinalakay ang wastong paghahati ng pagkain sa bawat pagkain at ipinakita ang isang sample diet plan upang magsilbing gabay sa pagpili ng masustansyang pagkain at pagbuo ng mas malusog na pagkain para sa buong pamilya.
Lalong naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng isang interactive Question and Answer session, kung saan aktibong nakilahok ang mga kalahok sa pagtatanong, pagbabahagi ng kanilang mga karanasan, at pagbibigay ng kanilang mga pananaw tungkol sa mga paksang tinalakay. Ang kanilang mataas na antas ng partisipasyon ay naging patunay ng kanilang interes at hangaring matuto upang mas mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
Bilang suporta sa layunin ng kampanya, nakiisa rin ang The Generics Pharmacy, na naghatid ng libreng basic health services para sa mga kalahok, kabilang ang random blood sugar monitoring, blood pressure (BP) monitoring, at iba pang serbisyong pangkalusugan. Ang kanilang mahalagang ambag ay nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na malaman ang kanilang kasalukuyang kalagayan sa kalusugan at mahikayat silang magkaroon ng regular na pagpapasuri bilang bahagi ng pag-iwas at maagang pagtuklas ng diabetes at iba pang non-communicable diseases.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang isinagawang Diabetes Awareness Campaign, at positibong tinanggap ito ng mga kalahok na mas lalong nahikayat na isabuhay ang tamang nutrisyon, regular na ehersisyo, at malusog na pamumuhay bilang sandata laban sa diabetes. Ang sama-samang pagkilos ng iba't ibang sektor ay patunay na ang pagsusulong ng kalusugan ay isang pananagutang dapat pagtulungan ng buong komunidad.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito ay buong pusong sinuportahan ni Governor Eduardo B. Gadiano, na patuloy na nagbibigay ng matatag na pamumuno at suporta sa mga programang pangkalusugan ng lalawigan. Sa kanyang walang sawang pagtangkilik sa mga gawaing nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng bawat Mindoreรฑo, mas napapalakas ang adhikain ng lalawigan na magkaroon ng isang mas malusog, mas ligtas, at mas produktibong Occidental Mindoro.
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข!
๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐, ๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ฃ๐!