25/09/2026
Ang National Center for Mental Health - Outpatient Section ay half day lamang (8am to 1pm) sa September 28, 2026.
Ito ay kaugnay ng Memorandum Circular No. 136 na inisyu ng Office of the President kung saan sinuspinde ang pasok sa lahat ng government offices sa NCR sa hapon, upang magbigay-daan sa 34th National Family Week.
Kung kayo po ay may nakaiskedyul na appointment sa mga araw na ito, maaari pa rin po kayong pumunta sa susunod na limang araw maliban sa Sabado o Linggo para sa inyong check-up. Para naman po sa mga Teleconsult, hintayin po ang email mula sa Outpatient Section para sa bagong schedule ng inyong online consultation.
Paalala: Mangyaring dalhin ang katunayan ng inyong original na schedule mula sa patient ID card o mula sa e-mail o mula sa referral slip.
Para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, maaaring tumawag o pumunta sa aming Psychiatric Emergency Room: (02) 8531-9001 local 469/1910.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.